Saturday , December 20 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

2 pelikulang naiwan ni direk Wenn, maisakatuparan pa kaya?

SA nakabibiglang pagyao ni direk Wenn Deramas noong umaga ng Lunes, February 29 ay dalawang film project ang hindi na maisasakatuparan.

Over tsikahan with Mother Lily Monteverde on the eve of his death, the immediate plan sana ng Regal matriarch ay kunin daw si Ai Ai de las Alas with Wenn as the director. Pero teka, hindi ba’t aware naman si Ai Ai na sumama ang loob sa kanya ng blockbuster director nang ideklara ng komedyana na “padded” ang kinita ng MMFF entry nito last year with Vice Ganda and Coco Martin as the headliners?

Layunin daw ni Mother Lily na pag-ayusin sina Ai Ai at Wenn. Well, obviously, hindi na ito magaganap.

Samantala, as early as January ay nasa drawing table na rin pala ang MMFF entry ni Vice Ganda ngayong 2016.  Kay direk Wenn pa rin siyempre ipagkakatiwala ng Star Cinema ang project with Daniel Padilla as  lead co-star.

Again, mukhang hahanapan na lang ng panibagong direktor ang pelikulang ito.

Hindi man kami malapit kay direk Wenn, pero sana’y kasama niya ang kanyang ate sa kanilang mapayapang paglalakbay.

HOT, AW! – Ronnie Carrasco III

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Ronnie Carrasco III

Check Also

DJ Jai Ho Jacqui Cara Michael Tuviera Jojo Oconer

DJ Jhai Ho maayos na nagpaalam sa Star Magic

RATED Rni Rommel Gonzales PUMIRMA na ng kontrata ang comedian/host na si DJ Jhai Ho sa All Access …

John Lloyd Cruz Ellen Adarna Elias Modesto

John Lloyd tinuligsa pagsusuot ng short sa recital ng anak

PUSH NA’YANni Ambet Nabus KAHIT marami ang natuwa sa magandang set-up ng co-parenting nina John Lloyd …

Pokwang Apology brother

Pokwang na-nega sa paghingi ng ‘sorry’ para sa kapatid, mambabatas binara

PUSH NA’YANni Ambet Nabus HINDI maganda ang naging reception ng netizen sa apology ni Pokwang on behalf …

Coco Martin Nicole

Coco ‘kinuha’ anak ni Katherine Luna

MA at PAni Rommel Placente KINUHA ni Coco Martin ang anak ng dating aktres na si Katherine Luna na …

Will Ashley Dustin Yu Bianca De Vera

Will deadma sa pagsasabong sa kanila ni Dustin

RATED Rni Rommel Gonzales MALAYO na talaga ang narating ni Will Ashley! Ngayon kasi ay bida …