Tuesday , February 17 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Kim Chiu, pinagtawanan lang ang intrigang buntis

NATAWA lang daw ang Kapamilya actress na si Kim Chiu sa intrigang buntis siya. May lumabas kasing tsika namay nakakapansin daw sa paglaki ng tiyan ni Kim. Kabuntot na tsika pa nito ay namataan dawn a nag-dinner ang aktres sa kasama pa raw ang lalaking pinaghihinalaang ama ng kanyang dinadala.

Nakita rin daw si Kim na nakipag-toast na ang laman ng baso ay tubig lang imbes na wine, dahil bawal nga sa isang nagdadalang-tao ang alak.

Ayon sa balita ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal), tinawanan lang ni Kim ang tsikang ito.

“Nakailang beses na akong naganyan, pero ilang taon na siya sa tiyan ko, hindi pa rin siya lumalabas. Lagi talaga akong nagaganyan, kaya kapag may fitting ako ng damit, di muna ako kumakain.

“Doon napupunta ang taba ko, wala sa arms, wala sa hita ko—nasa face saka nasa tiyan.”

Samantala, happy naman daw si Kim sa magandang feedback at reviews na tinatanggap ng The Story of Us. Ang naturang serye niya sa ABS CBN ay tinatampukan ni Kim with Xian Lim.

ALAM MO NA! – Nonie V. Nicasio

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Nonie Nicasio

Check Also

Jose Manalo Mergene Arime Resort

Jose may bagong resort sa Laguna

MAYROONG bagong negosyong resort si Jose Manalo sa Laguna. Ito ay ang Prime Resort na naka-post sa Facebook ng TVJ. …

Maris Racal Gian Bernardino

Paandar nina Maris at Gian ng Cup of Joe ‘di kinagat ng netizens

I-FLEXni Jun Nardo PRANK lang ni Maris Racal ang post sa social media na may bulaklak kasama …

Andrew Gan

Andrew Gan movie producer na, may malasakit sa movie workers

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio ISANG ganap na movie producer na ang aktor/businessman na si …

Martin Venegas Aga Muhlach Anne Curtis

Aga at Anne gustong makatrabaho ni Martin Venegas

MATABILni John Fontanilla PANGARAP makatrabaho ni Martin Venegas, isa sa bida ng Project Loki  sina Aga Muhlach at showbiz crush …

Ai Ai Delas Alas

Ai Ai hanap pogi at manlilibre ngayong Valentine’s Day

MATABILni John Fontanilla MAY panawagan ang lead actress ng pelikulang Batang Paco na si Ai Ai Delas Alas ngayong …