Saturday , December 6 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Cristine, naging nega sa pambabastos kay Vivian

00 Alam mo na NonieKUNG pagbabasehan ang mga pahayag ni Ms. Vivian Velez na nag-resign siya TV series na Tubig at Langis dahil sa pagiging maldita raw ni Cristine Reyes, isa sa star ng naturang TV series, lumalabas na naging nega si Crstine dahil sa pamambastos niya sa isang veteran actress.

Irrevocable daw ang resignation ni Ms. Vivian na gumaganap ng mahalagang papel sa seryeng ito.

Definitely ay hindi maganda ito para kay Cristine, ngunit naglabas naman ng press statement ang mga tao sa likod ng seryeng Tubig at Langis, na inaabsuwelto si Cristine sa mga akusasyon ni Vivian. Miscommunication lang daw ang nangyari at inaako ng production team ang responsibilidad dito. Idinagdag pa nilang walang problema ang staff sa pakikipagtrabaho kay Cristine.

So, ibig bang sabihin nito na hindi ba nagsasabi ng totoo si Vivian sa mga akusayon niya kay Cristine? Kung magkaiba ang sinsabi ng dalawang panig, ibig sabihin, isa sa kanila ay hindi nagsasabi ng totoo. So, sino ang dapat nating paniwalaan ngayon?

Anyway, narito ang kabuuang pahayag ng ABS-CBN:

“Nang magsimula ang produksyon ng Tubig at Langis noong Oktubre 2015 hanggang sa umere ito noong nakaraang buwan ay naging maayos ang lahat sa set ng programa.

“Maayos na nagtatrabaho ang bawat isa, mula sa cast, crew, at staff, kaya naman maganda ang kinalalabasan ng bawat episode.

“Noong nakaraang linggo lamang nagkaroon ng hindi pagkakaunawaan sa taping ng serye sa pagitan ng lead star nito na si Cristine Reyes at veteran actress na Vivian Velez.

“Narinig na ng karamihan ang panig ni Vivian ngunit may isang punto lang na may kaugnayan sa nangyari sa dressing room ang nais linawin ng programa.

“Hindi totoong pinaalis ni Cristine si Vivian sa dressing room. Nagkaroon lamang ng miscommunication at inaako ng production team ang responsibilidad dito.

“Sa katunayan, walang problema ang staff sa work ethics ni Cristine at maayos itong nakikisama sa lahat ng katrabaho niya. Humingi na kami ng paumanhin kina Cristine at Vivian kaugnay nito.Ikinalulungkot namin ang pangyayaring ito sa masayang pamilya na nabuo namin sa Tubig at Langis.

“Naipaliwanag na namin ang aming panig sa dalawang aktres at umaasa kaming matapos na ang isyu sa maayos at magandang paraan. Sa kabila nito, makakaasa pa rin ang aming manonood na patuloy kaming magsisikap para magbigay ng makabuluhan at napapanahong kwento sa aming programang Tubig at Langis.”

ALAM MO NA! – Nonie V. Nicasio

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Nonie Nicasio

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …