Friday , November 15 2024

Solido pa rin ang kapatiran sa INC

MAHIGIT isang daang taon na ang relihiyong ito na itinayo sa Filipinas ng mga Filipino.

Iyong iba, dahil sa haba ng panahon, namamatay na lang. Ito naman, sinusubukang gibain, pero mukhang matayog pa rin na nakatayo.

Kaso, dahil sa kabi-kabilang paninira, totoo man o hindi, may panganib na baka ito raw ay humina?

Pero may pagkakataon din na baka ito ay mas lumakas pa.

Imbes magkawatak-watak, puwedeng ang mga miyembro nito ay higit pang magiging solido at matibay.

May mga nagsasabing marami ang magsisialisan sa kanilang relihiyon? May mga nagsasabing nagsimula na ang katapusan ng pangangasiwa ng isang pamilya sa milyon-milyon nilang parokyano? May mga nagsasabing maghihiwalay ang isang malaking bahagi ng grupo para bumuo ng panibago?

Pero ang nababalita sa mga pahayagan kamakailan, ang walang humpay na pag-imbulog ng mga proyekto at programa nila na tumutulong sa mahihirap, hindi lamang para sa kanilang mga kasapi, kundi maging sa marami sa ating mga kababayan na tila nakaligtaan ng biyahe sa pag-unlad.

LINGAP yata ang tawag nila doon.

‘Di pa kasama sa mga balitang ito ang pagbubukas ng isa na namang bagong non-profit hospital na dagdag pa sa dati nang naninilbihan na non-profit hospital at university na marami nang branches. Bukas pala sa lahat at ‘di lang para sa kanilang mga miyembro o kasapi.

‘Di pa rin kasama sa mga istoryang ito ang tahimik na pag-ulan at pagbaha ng mga miyembro na pumapasok sa mga ministerial schools. Ang dinig pa nga natin hindi lang sa Filipinas may ministerial schools. Meron na rin sa lima pang ibang bansa.

Ang hindi lang talaga masabi, pero ito ang inside info, ayon sa mga opisyal ng simbahan, dumoble na ang kanilang numero sa buong mundo sa ilalim ng pangkalahatang pangagasiwa ng kanilang pinuno.

Ano ba talaga ang totoo?

Ipagdasal na lang natin ang tila ‘di pagkakasundo ng magkabilang panig.

Sana’y wala na ring outsider na nakikialam para sa mga personal at pampolitikang interes sa IGLESIA NI CRISTO!

Sen. Grace Poe hahatulan na

NALALAPIT na raw ang ‘paghuhukom’ kaya asahan ang heavy traffic sa Maynila sa mga susunod na araw.

Tinutukoy po natin dito ang ‘Disqualification Case’ laban kay Senator Grace Poe sa Korte Suprema.

Hindi lang ang mga supporter, pamilya at kaibigan ang naghihintay sa desisyong ito, kundi maging ang mga kalaban ng Senadora.

Pinag-uusapan na ngayong linggo ay maglalabas na ang Supreme Court ng kanilang boto o desisyon sa mga isinampang disqualification case laban kay Grace Poe.

May mga urot na madi-disqualify siya sa issue ng residency at ang citizenship issue ay itetengga muna hangga’t walang bagong batas dito.

May tsismis rin na mas gugustuhin ng kampo ni Mar Roxas na hindi ma-disqualify si Poe dahil mas mahirap nga naman na one-on-one sila ni Binay.

Mahahati nga naman ang boto ‘di ba?

Anyway, hindi natin alam kung saan mapupunta ang mga kahakot-hakot na mga residente tuwing may rally sa Comelec.

Ngayon naman, tiyak na ang Supreme Court ang laging pupuntahan ng mga supporter ni Senator Grace para bulabugin.

Iisa lang ang tinig na naririnig natin sa kanila, hayaan na lang daw na ang boses ng tao ang marinig kung naniniwala pa rin tayo na ang boses ng mamamayan ay siyang boses ng Diyos.

‘Yun na!

AMLC, BIR, PSE at SEC hinikayat ni Sen. Sonny Trillanes para busisiin ang kuwestiyonableng transaksiyon ng UMak sa nursing school

ANG pinag-uusapan po rito ay halos kalahating bilyong pisong pondo ng gobyerno.

To be exact, P547.42 milyones po ito para  umano sa nursing school ng University of Makati (UMak).

Pero sa  implementation, ang nangyari ay ini-divert ito sa Philippine Healthcare Educators Inc. (PHEI), isang private company.

Kaya naman sinulatan ni Sen. Antonio “Sonny” Trillanes IV ang Anti-Money Laundering Council (AMLC) at ang Bureau of Internal Revenue (BIR) para imbestigahan ang kuwestiyonableng transaksiyon na ito ng UMak.

Sinulatan na rin ni Sen. Trillanes ang Securities and Exchange Commission (SEC) at ang Philippine Stock Exchange para rin alarmahin at kuwestiyonin ang iregularidad sa nasabing transaksiyong.

‘E mantakin naman ninyong, mayroong P547.42 milyones ang gobyerno ‘e ipinasambot pa sa pribadong sector para mag-operate ng nursing school?!

Tama ba ‘yan?!

Kabilang umano sa mga sangkot na opisyal sa kuwestiyonableng transaksiyon na ‘yan sina Vice President and former Makati City Mayor Jejomar Binay, ang kanyang anak na si dating Makati Mayor Junjun Binay, UMak president Tomas Lopez at iba pang private individuals, gaya nina STI chair Eusebio Tanco, president Monico Jacob, Annabelle Borromeo at Jack Arroyo.

Magugunitang ang joint venture na ito ay nakabinbin ngayon sa Office of the Ombudsman.

Ano na kaya ang status ng kasong ito?!

Nagtatanong lang po, Madam Conchita Morales-Carpio.

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0926.899.91.27 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)

Check Also

Firing Line Robert Roque

Mga senador na nasa tama, nagkamali

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. MARAHIL humupa na sa ngayon ang galit ng publiko …

Aksyon Agad Almar Danguilan

“Kian Bill” para sa mga inosente, isabatas na!

AKSYON AGADni Almar Danguilan IYAN ang sigaw o panawagan ng grupong Akbayan Partylist sa Kongreso. …

PADAYON logo ni Teddy Brul

Upakan sa Pasig umiinit

PADAYONni Teddy Brul HINAMON ni dating Pasig City councilor, Atty. Ian Sia si Mayor Vico …

Sipat Mat Vicencio

Imee Marcos hinayaan babuyin ang amang si Makoy

SIPATni Mat Vicencio HINDI man lamang nagawang ipagtanggol ni Senator Imee Marcos ang kanyang amang …

Dragon Lady Amor Virata

Overstay sa Amerika, deportation parusa ni Trump

Isumbong mokay DRAGON LADYni Amor Virata MARAMING Pinoy ang nangangamba ngayon sa Amerika lalo mga …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *