NIRERESPETO at suportado ng fans ni Jennylyn Mercado ang request nitong maging tahimik na lang ang lovelife niya with Dennis Trillo at huwag nang masyadong pag-usapan pa.
Sa March 2016 issue ng isang glossy mag na siya ang cover, inamin ni Jen that she and Dennis are exclusively dating.
“Ayaw lang naming i-broadcast, kasi ano eh, gusto na lang namin, tahimik na lang. Ganoon. Kasi ang hirap…
“Pero ’yon, hanggang doon na lang. Ayaw na lang namin siyang masyadong i-broadcast, kasi mas maganda ’yung tahimik. Mas maganda ’yung parang wala lang,” pahayag ni Jen sa kanyang panayam sa naturang mag.
Para sa kanyang fans, kung saan happy si Jen, happy na rin sila at hindi sila magsasawang suportahan ito.
Ngayon pa nga lang ay inaabangan na ng kanyang supporters ang unang pagsasama nila ni John Lloyd Cruz sa pelikulang Just the 3 of Us under Star Cinema mula sa direksiyon ni Cathy Garcia-Molina.
THE GOSSIPMILLER – Cesar Pambid