Saturday , December 6 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Mojack, hataw sa kampanya at paggawa ng campaign jingles

00 Alam mo na NonieAYAW talagang paawat ang kuwela at talented na singer/comedian/composer na si Mojack. Tapos nang very successful na pagrampa niya sa Japan na marami siyang napasaya, kaliwa’t kanan naman ang mga pinagkaka-abalahan ng ayon ni Mojack sa bansa. Bukod sa mga show sa bansa at abroad, abala rin siya sa paggawa ng campaign jingles sa mga kandidato na sasabak sa May elections ngayong taon.

“Busy na tayo ngayon dahil elections, kaya yung mga offer na shows abroad, after nang election na iyon, Kuya,” saad sa amin ni Mojack.

Kamakailan ay bahagi siya ng medical mission ni Baliwag, Bulacan Mayor Carol Dellosa. Kasama rito ang husband ni Mayora na si Engineer James Dellosa. Ayon pa kay Mojack, masaya siyang maging bahagi ng mga ganitong project. “Sa part ko kasi, parang pag-share itong blessings. Isang way ko ito na kung ano ang ibinibigay sa atin ni God, kailangang maibalik natin sa mga nangangailangan.”

Pagkatapos ng election, hahataw na naman si Mojack sa Japan dahil nagustuhan siya ng marami roon. Tapos nito, posible rin siyang mag-show sa US at sa Europe.

Ano naman ang plano niya sa kanyang album?

“As of now I dont have a plan, kasi yung producer po niyon wala siyang plan kung ano. If she’s interested pa po ba or not, dapat she will relay to me she wanted…

“The title of my album is Bekilou, ang story nito isa siyang Beki na bato-bato ang katawan dahil sa umaga isa po siyang construction worker and at night isa na siyang BEKI na maganda at magaling kumembot. Na pati mga kasamahan niya sa work ‘di siya makilala, sa sobrang sexy nyahahaha!”

ALAM MO NA! – Nonie V. Nicasio

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Nonie Nicasio

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …