Monday , January 12 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Barbie, Best Actress, Laut, wagi sa Oporto International Filmfest

00 Alam mo na NonieNANALONG Best Actres ang Kapuso aktres na si Barbie Forteza para sa indie film na Laut, samantalang ginawaran naman ng Special Jury Mention prize ang naturang pelikula na pinamahalaan ni Direk Louie Ignacio sa 36th Oporto International Film Festival sa Portugal.

Opening film ang naturang pelikulang BG Productions na pag-aari ng businesswoman na si Ms. Baby Go sa katatapos lang na Singkuwento International Film Festival. Dito, nang nakausap naming ang mga bituin at mga tao sa likod ng naturang pelikula, sinabi nilang umaasa silang magiging eye-opener ang pelikula para gumawa ng aksiyon ang gobyerno sa nakakalungkot na lagay ng mga miyembro ng tribong Sama D’ Laut. Na mula Mindanao ay napadpad sa lahar area sa Pampanga.

Si Barbie ay gumanap na isang masipag na miyembro ng tribong Sama D’ Laut. Isa siyang batang ginang na nagtitiis sa asawang batugan at isang mabuti at mapagmahal na kapatid na laging handang tumulong.

Sinabi ng Kapuso aktres na proud siyang maging bahagi ng indie film na Laut na inilarawan niya bilang pelikulang ‘umaalingasaw’.

“Visually ay napakabahong pelikula.Iyon talaga ang unang goal namin, ang mapaamoy sa mga manonood ang pelikula at maipakita kung gaano kasipag at gaano katiyaga ng mga Sama ‘D Laut kahit binabalewala sila ng ibang tao, specially ng gobyerno,” saad ni Barbie.

Ayon kay Ms. Baby sobra siyang natutuwa at nagpapasalamat sa natamo ng pelikula. Pinuri niya rin ang direktor nitong si Direk Louie dahil sa muling pagkilala sa pelikula nila.

Ito ang FB post ni Ms. Baby, My movie LAUT Under BG Productions International Inc. Won as the Special Mention of the Jury by DirekLouie Ignacio and Barbie Forteza as the Best Actress in 36th Fantasport o International Film Festival 2016 Congratulations to us.”

Si Dennis Evangelista naman ay nag-post sa FB ng ganito, “So happy for Barbie Forteza for bagging Best Actress trophy at the recently concluded Fantasporto International Film Festival in Portugal. Congrats also to DirekLouie Ignacio for winning Jury’s Special Mention. Mabuhay to my LAUT family. Really great films from BG Productions International.”

Bukod kay Barbie, angLaut ay tinatampukan din nina Jak Roberto, Ana Capri, Ronwaldo Martin, Perla Bautista, Erika Yu, FelixiaDizon, at iba pa.

ALAM MO NA! – Nonie V. Nicasio

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Nonie Nicasio

Check Also

Vice Ganda Airport

Vice Ganda inilahad totoong nangyari sa airport

MA at PAni Rommel Placente SA pamamagitan ng kanilang noontime show na It’s Showtime, nagbigay ng reaksiyon …

Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith Father

Anne at Jasmine nagdadalamhati sa pagpanaw ng ama

ni Allan Sancon BALOT ng matinding lungkot ang pamilya nina Anne at Jasmine Curtis-Smith matapos pumanaw ang ama nilang …

James Curtis-Smith Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith

Anne at Jasmine dinagsa ng pakikiramay mula sa mga kaibigan, katrabaho

PUSH NA’YANni Ambet Nabus MALUNGKOT ang pasok ng 2026 kay Anne Curtis dahil sa pagyao ng ama …

Bam Aquino Vico Sotto

Talent manager at online show host Noel Ferrer pinangalanan sina Bam, Vico bilang People of the Year 2025

HINIRANG ng talent manager at online show host na si Noel Ferrer sina Senador Bam Aquino at Pasig City …

Rave Victoria

Rave Victoria masaya sa suportang natanggap sa PBB Collab 2

RATED Rni Rommel Gonzales BINANSAGANG ”Optimistic Apo ng Tarlac” natapos na ang Pinoy Big Brother Celebrity …