Biometric Iris Scanner and Camera sa DFA kulang na kulang
Jerry Yap
March 6, 2016
Bulabugin
WALA tayong masasabi sa accommodation ng Department of Foreign Affairs (DFA) lalo na sa courtesy lane.
At nagpapasalamat tayo sa mabilis na pag-aasikaso ng opisina ni DFA Spokesperson Charles Jose, tuwing may inilalapit tayong mga staff na kailangan dumaan sa courtesy lane…
Maraming-maraming salamat, ASSEC. Charles Jose!
Pero, mukhang apektado ang courtesy lane ng kakulangan sa equipments ng DFA lalo sa biometric iris scanner and camera.
Kaya ‘yug mga nasa courtesy lane, inaabot pa rin nang halos apat na oras sa pagpila.
Sa courtesy lane kasi, mayroon lang apat na biometric iris scanner & camera.
Ang dalawa rito ay nakalaan para sa senior citizen at sa mga bata.
Kaya dalawang biometric scanner lang ang nakalaan para sa mga regular applicants.
Ibig sabihin po ng regular, ‘yung hindi sila senior citizen at hindi rin bata.
Mantakin ninyo?!
‘Yung naka-courtesy lane nga inabot ng apat na oras, ‘e di mas lalo na ‘yung hindi pa naka-courtesy lane?!
E kahit anong husay ng accommodation ng tanggapan ni ASSEC. Charles Jose sa mga nagre-request ng courtesy lane, ‘e nag-iimbudo rin ang mga aplikante pagdating diyan sa biometric iris scanner at camera.
Anyareee, Secretary Albert del Rosario?
Bakit kapos sa camera ang Consular Affairs ng DFA?
Wala bang pondo ang DFA para bumili ng ganitong equipment?!
Aba, hindi lang 500 aplikante ang naipoproseso ng DFA Aseana, ‘e ‘yung sa mga probinsiya pa?!
Ang ibig nating sabihin, madali lang punan ang pagdaragdag ng camera at iris scanner para sa biometric kung talagang pagtutuunan ng pansin ng DFA ang problemang ito.
‘E kung hindi mabibilhan ng bagong biometric iris scanner and camera ang DFA para sa pangangailangan ng mga aplikante, pauwiin na ‘yung mga nakapila riyan?!
Uulitin lang po natin, gaano man kabilis ang pagpoproseso para sa courtesy lane ng tanggapan ni Assec. Charles Jose, pero kulang pa rin ang biometric iris scanner at camera, ‘e tiyak na mag-iimbudo pa rin ang pila kahit nasa courtesy line pa sila.
Di ba, Secretary Del Rosario?!
Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0926.899.91.27 o mag-email sa JERRYAP888@YAHOO.COM. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com