Saturday , December 13 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Nadine, may attitude raw sa mga ginagamit na outfit sa taping

ARTISTA nga naman, may kanya-kanyang attitude problem. Kapag sumikat, nag-iinarte na ito sa shooting or taping bitbit ang kani-kanilang make-up artist at stylist.

Tulad ni Nadine Ilustre,  palibhasa sikat na, may personal stylist siyang nag-aayos at nagbibihis sa kanya tuwing may shooting, taping, at product endorsement. Imbes na ang costume designer sa film production ang magsasabi at magbibigay sa kanila kung anong damit ang gagamitin sa eksena, hindi ito sinusunod ng dalaga.

Ipipilit daw ni Nadine sa costume designer ‘yung dala niyang damit. May personal stylist ang actress. Ito ang namimili kung anong outfit ang babagay kay Nadine for every scene with her approval kahit hindi bagay sa character na ipino-portray, tsika ng aming source.

Sa isang comedy film na nilabasan ni Nadine,  sa bahay ang eksena. Sabi ni Direk, pangbahay lang ang isuot ni  Nadine dahil bahay nila ‘yun sa pelikula. Pero nang lumabas na ang dalaga sa kanyang tent, naka-white lace short ito with signature blouse. Nagulat ang comedian na ka-eksena niya pati ang director. Sabi sa kanya ng magaling na komedyante, “Rarampa ka ba sa mall?” Natawa na lang daw ang production staff.

Hinayaan na lang daw ng director ang outfit ni Nadine kahit hindi bagay sa eksena dahil gahol na sa oras at marami pang eksenang kukunan. Idinaan na lang ng comedia sa dialogue ang suot ng dalaga. Naging click naman ang dating ng eksenang  ‘yun sa manonood. Maging kami ay natawa, naaliw nang pinanood namin ang pelikula.

( EDDIE LITTLEFIELD )

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Eddie Littlefield

Check Also

Ka Tunying Anthony Taberna

Ka Tunying nilinaw Discaya ‘di kilala; ‘Di apektado sa banat ni Amador 

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez IGINIIT ni Anthony ‘Ka Tunying’ Taberna na hindi niya personal na kilala ang mag-asawang Curlee at Sarah …

Lito Lapid

Nasa gawa tunay na paglilingkod

PUSH NA’YANni Ambet Nabus BAGAMAT “artista lang” ang tingin sa kanya ng mga mapanghusga, pinatunayan …

Lito Lapid

Biopic ni Sen Lito gagawin ng isa sa mga apo

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SPEAKING of mga anak at apo, talaga palang sinabi ni Senador Lito …

Lito Lapid Coco Martin

Sen Lito suportado si Coco saan man lilipat

PUSH NA’YANni Ambet Nabus “HUWAG ninyong galawin iyan. Para sa mga anak at apo ko …

Love Kryzl Kiray Celis Stephan Estopia 2

Batang CEO ng Purple Hearts goal ang makatulong sa mga kabataan

HARD TALKni Pilar Mateo WHAT’S a girl of nine to do? Karaniwan a nine year …