Thursday , December 26 2024
Bulabugin ni Jerry Yap
Bulabugin ni Jerry Yap

CNA & 34th anniversary bonuses ng MIAA employees nasaan na?

PATULOY ang pagdarasal ng mga empleyado ng Manila International Airport Authority (MIAA) para kay MIAA General Manager Jose Angelo “Bodet” Honrado.

Idinadalangin nila na haplusin ni Lord ang ‘puso’ ni GM Bodet para magkaroon ng ‘habag’ na i-release na nila ang kanilang CNA (Collective Negotiation Agreement) at MIAA 34th anniversary bonuses.

‘Yun na nga, nagpang-abot na ‘yang dalawang bonus na ‘yan pero hanggang ngayon wala pa rin naire-release para sa kanila.

Mula noon hanggang ngayon ilang beses nang nagkaroon ng MIAA board meeting pero hindi pa rin umano nai-a-agenda ang bonuses ng mga empleyado!?

Ang alam umano nilang kuwentada ng mga bonus na ‘yan ay P20,000 plus P20,000 bale P40,000 na pero nag-34th anniversary na nga, wala pa rin, as in BOKYA!

Imbes maging masaya ang MIAA employees ‘e naging anniver-SORRY na lang ang mga empleyado.

Kamakalawa (Thursday), pumutok na magre-release na umano ng P3,000 para sa anniversary bonus. Pero naubos lang ang tik-tak sa kanilang relo at cellphone, kahit piso walang nasalat ang mga empleyado.

Kaya hanggang ngayon raw, panay-panay na ang dasal ng mga empleyado na pisilin ‘este haplusin ang puso ni GM Bodet Honrado.

Dapuan sana ng habag para maisipang i-release ang bonuses nila.

Ang siste, mukhang napalitan na ang puso ni GM Bodet, kaya’t hindi na nasasagap ang mensahe ni Lord?

Naringgan pa nga raw nila minsan sa MIAA Admin building na may nagsabing bahala na ang susunod na administrasyon sa kanilang bonus?

Sana naman raw, haplusin na agad-agad ni Lord ang puso ni GM Bodet para makapag-iwan man lang siya ng ‘magandang’ alaala sa mga empleyado.

Ilang buwan na lang nga naman at matatapos na ang administrasyon ni PNoy, naturalmente na magkapalitan na rin ng mga bossing sa iba’t ibang ahensiya ng pamahalaan including MIAA.

Ang ipinagtataka naman nila dito, bakit parang hirap na hirap si GM Bodet na i-release ang bonuses ng mga emplayado ‘e hindi naman manggagaling sa kanyang bulsa ‘yan di ba?

GM Bodet, alam n’yo bang malaking bagay ngayon sa MIAA employees ang perang ‘yan dahil school enrollment na naman?!

Alam n’yo naman ang private schools, bago matapos ang school year ‘e nanghihingi na ng reservation fee.

Kumbaga, ‘yang bonuses na ‘yan ay inilalaan na nila sa tuition fee ng kanilang mga anak.

Kaya, please raw po, GM Bodet, i-RELEASE na ninyo ang CNA & ANNIVERSARY bonuses ng MIAA employees…

Or else, patuloy ka nilang ipagdarasal.

(Hindi lang nga natin alam kung ano ang laman ng kanilang mga dasal).

‘Yun lang po.

POL ADS NI EX-JUSTICE SECRETARY
LEILA DE LIMA COMEDY ANG DATING?!

Nahagip natin nitong mga nakaraang araw ang political ads ni ex-Secretary Leila De Lima sa internet.

‘Yun bang pinosasan niya ‘yung nagtatangkang suhulan siya?!

Political ads po ‘yun, hindi show sa comedy bar.

Hikhikhik… natawa rin po kasi kami at sa katatawa ‘e muntik pang mahulog sa silya.

‘E kasi naman, paano naman tayong hindi matatawa, ‘e alam na alam ng mga taga-DoJ at BI na mayroong isang ‘bodyguard’ noon sa DoJ na ‘mahilig’ at ‘malakas’ tumara at tumanggap ng gay-la.

Pero hindi naman naposasan.

Mukhang sa ‘bed of roses’ naposasan si ‘bodyguard?!’

Hik hik hik…

Minsan nga naman, kailangan din magpatawa. Gaya ngayon, natatawa tayo. Parang ‘yung sa kanta.

Banal na aso… santong kabayo… natatawa ako…

Hikhikhik!

BAKIT NAG-I-ENJOY SI I/O LIWAG
SA BONGAO, TAWI TAWI?

KUMUSTA na raw kaya ang beauty nitong si IO Vienne Liwag?

Tila nananahimik raw at nag-settle na sa BI- Bongao, Tawi-tawi na pinagpahingahan sa kanya ni Miswa ‘este Mison na mistah pa naman ng erpats niya!

Si IO Vienne Liwag ang isa sa mga IO na kabibiliban ninyo.

Isipin na lang na habang ang lahat halos ng nadestino sa border crossing ay kontodo hinagpis, siya naman ay nanahimik lang at walang karekla-reklamo.

Sabi nga ng iba, para raw kasi siyang isang pagong na itinapon sa ilog!

Para raw kasing isang paraiso ang pinagdalhan kay IO Liwag. Kaya imbes disgrasya ay sandamukal na grasya pa ang kanyang napala!?

Talagang na-master na raw pala ni IO Liwag ang entry and exit ng kanyang mga pasahero riyan!?

Ay sus kaya pala!

No wonder na talagang itinuring na paraiso ni IO Liwag ang kanya ngayong kinalalagyan?

Well, huwag na kayong magtaka kung wala nang balak bumalik ng Manila si IO Liwag.

At kung dumating man ang araw na bumalik siya, huwag na rin kayong magtaka kung isa na siyang DONYA!!!

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0926.899.91.27 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)

Check Also

Sipat Mat Vicencio

Pagkikita nina Isko Moreno at Nelson Ty

SIPATni Mat Vicencio NAGKITA na nga sina dating Manila Mayor Isko “Yorme” Moreno at dating …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Kita ng TODAs, lumiit sa pagdami ng MC taxi

AKSYON AGADni Almar Danguilan MASYADO na palang bumaba o lumiit ang kita ng mga tricycle …

Firing Line Robert Roque

Gunning for amendments

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. ISINUSULONG ni Senator Ronald “Bato” dela Rosa ang mga …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Seguridad ng QCitizens  sa ‘Misa De Gallo’   tiniyak ni Buslig

AKSYON AGADni Almar Danguilan NAG-UMPISA na ang ‘Misa De Gallo’ na mas kilala na ngayon …

Firing Line Robert Roque

3 araw ng Metro road deaths

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. BINIGLA ang Metro Manila ng serye ng mga pagkamatay …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *