Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Spogify winner Mavi Lozano, bilib kay Alden at crush si Maine!

00 Alam mo na NonieSALUDO ang winner ng Spogify ng Eat Bulaga kina Alden Richards at Maine Mendoza. Bukod kasi sa mabait, masipag ang dalawa at may pagpapahalaga sa fans.

“Napakabaitpo ni Alden, noong first time ko siyang makita ay ramdam mo talaga iyong pagod niya dahil kaliwa’t kanan ang shows niya. Pero kahit pagod siya talaga, doon mo makikita iyong sobrang passion niya sa kanyang trabaho.

“Sobrang nakikita ko kay Alden na mahal niya ang ginagawa niya at sobrang mahal niya ang fans, kaya nakakatuwa talaga.”

Ano naman ang masabi mo kay Maine?” Si Maine, hindi ko pa siya nakaka-usap, pero crush ko siya,” pahalakhak na sagot ni Mavi.

Bakit mo siya crush?” Wala lang, parang naku-cute-an lang ako sa kanya. Kasi, kakaiba si Maine e, kakaiba siya sa mga artistang sobrang sikat. Ang tingin ko kasi kay Maine, simple lang kasi siya, pero may ibubuga.”

Paano kung magalit si Alden, yari ka kay Alden? Natawa muna siya bagos umagot, “Hindi naman po, crush lang naman, e. Ha-ha-ha!”

Kung mag-react ang Aldub fans o magalit?” Feeling ko ay hindi naman po sila magagalit, kasi crush lang naman. Hindi ko naman susulutin kung mayroon man silang… ha-ha-ha! Ako naman kasi siyempre, iniidolo ko rin kasi si Maine as artistarin.”

Si Mavi ay nakagawa na ng ilang pelikula at TV shows sa TV5. Isa siya sa aktor sa upcoming movie na Magtanggol nina Tom Rodriguez at EJay Falcon. This Sunday naman, guest siya nina Marion at Michael Pangilinan sa concert nila sa Zirkoh titled M&M #pumapagibig.

ALAM MO NA! – Nonie V. Nicasio

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Nonie Nicasio

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …