Monday , December 9 2024

Mikee Romero, susubukin ang politika

00 fact sheet reggeeANO ang gagawin ni Michael ‘Mikee’ Romero, isa sa Richest Man in the Philippines base sa Forbes’ Asia List Top 50 Richest sa mundo ng politika?

Kilalang mahusay at magaling na negosyante at ekonomista si Mikee at ang buhay niya ay umiikot sa mga hindi mabilang na negosyo tulad ng Air Asia Philippines, Zest Airways, Chairman ng Manila North Harbour Port, Mikro-tech Capital, CEO Pacifica, Inc., Chairman ng 168 Ferrum Pacific Mining Corporation at iba pa.

Kilalang sportsman din si Mikee, katunayan may mga team siya tulad ng GlobalPort Batang Pier (Philippine Basketball Association), AirAsia Flying Spikers (Philippine Super Liga, 2014), Manila Sharks (Baseball Philippines), AirAsia Philippine Patriots (ASEAN Basketball League), Harbour Centre Batang Pier/Oracle Residences Titans (Philippine Basketball League).

Ang nabanggit na PBA team ni Mikee na GlobalPort Batang Pier ang koponan na naglalaro si Terrence Romeo na nali-link ngayon kay Showtime at GGV host na si Vice Ganda.

Ang paliwanag ni Mikee sa pagpasok niya sa politika, ”nagsawa na po ako sa kakapanood lang ng seating on the sidelights, watching things na hindi nila magampanan ‘yung mga role nila (mga nakaupo sa gobyerno) so, I think, isa po sa nasabi ko before, I’m volunteering to make changes, so I think panahon na para magbago ang kultura ng politika. Ekonomista po ako and major ko po, I’m a doctor in Finance and economics.

“Nasubukan na po natin ang mga politiko sa Pilipinas, baka it’s about time na makasubok naman ng isang ekonomista to change the faith of our economy.”

Hindi bago sa mundo ng showbiz si Mr. Romero dahil ang kanyang stepdad ay si Ka Eddie Garcia na 35 years ng kasama ng mommy niya ngayon at noong bata pa raw siya ay madalas siyang isama sa lahat ng awards night.

“Kaya alam ko po ang mundong ginagalawan sa showbiz,” napangiting sambit ng stepson ni ka Eddie.

Nangunguna sa listahan ng 1 PACMAN Partylist si Mikee at ipinauna na niya na walang kinalaman si Manny Pacquiao sa nasabing partido.

Ang acronym ng 1 PACMAN ayon kay Mikee ay, ”One Patriotic Coalition of Marginalized National, Inc..

“Very catchy kaya ginamit na rin namin ang PACMAN. Second, si Manny Pacquiao is also an endorser of 1 PACMAN,” kuwento nito.

“Sabi nga ni Manny, gamitin namin tutal ang agenda namin, makatulong sa sports,” sabi pa ni Mikee.

Ani Mikee, kapag naupo siya sa Kongreso ang suweldo niya ay ibabalik niya sa bayan at ipamamahagi sa pampublikong ospital tulad ng Philippine General Hospital o PGH, Philippine Heart Center at iba pa.

Plano ring maglagay ng Department of Sports, kaya lahat daw ng nasa sports industry ay sinusuportahan ang kandidatura nito sa 1 PACMAN.

At gusto rin niyang gumawa ng batas na magsasaad na bigyan ng SSS at Philhealth care ang lahat ng nasa entertainment industry dahil base sa pag-aaral niya ay walang mga benefit ang mga artista at nagtatrabaho sa production dahil considered ‘talent’ lang sila ng networks.

Ilan lang ito sa mga adbokasiya ni Mikee kaya sana raw ay matulungan siya sa darating na eleksiyon.

Diretsong inamin din ni Mikee na kapag naupo siya at wala namang nabago sa termino niya ay aalis siya, ”i-asses n’yo po ako sa unang tatlong taon kung sakaling palaring manalo. If I’m not make any difference and I’m just one of the politicos, siguro I’ll stop na.”

At dahil may konek ang 1 PACMAN partylist kay Manny ay pabor ba si Mikee sa same sex marriage na mas masahol pa raw sa hayop at sa karapatan ng LGBT community?

“Hindi po ako naniniwala sa masahol pa sa hayop, I think nagkamali lang po ng context.  There are two segments na binanggit ni Manny, I’m not depending him.

“Ihiwalay po natin sa dalawang context ang sinabi ni Manny, one is ang sinasabi niya, same sex marriage is hindi siya pabor because of the values reason na sinabi.

“At ‘yung pangalawa, kasi ikinompara niya sa hayop, doon siya sumabit, I think sa akin, being a Catholic country, 80% po tayo ay Catholic, ‘yung religious belief po natin about same sex marriage is that it’s still a taboo here. Ako, I would just ride that line.

“But with regards to the LGBT (Lesbian, Gay, Bisexual, and Transgender) on their rights and privileges, ipagtatanggol ko po ‘yan, because they also deserve to have equal rights everywhere. I don’t like discrimination. Hindi ho dapat ganoon,” paliwanag mabuti ni Mr. Romero. At inamin din na marami siyang kaibigan na miyembro ng LGBT.

At dahil sa isyung LGBT ay aware ba si Mikee na ang player niyang si Romero ay nauugnay kay Vice na miyembro ng nasabing samahan at kung nakaaapekto ba ito sa career ng basketbolista?

“I don’t think po, kasi I think Terrence is one of the top 3 players in the PBA in terms of popularity. He shares the limelight with James Yap and Marc Pingris. I think it’s positive po,” punto de vista ng may-ari ng GlobalPort Batang Pier team.

Katwiran pa ni Mr. Romero na wala siyang pakialam sa pribadong buhay ng mga manlalaro niya as long as hindi sila sumasabit sa kaso tulad ng panununtok o pananapak sa loob at labas ng laro, nagda-drugs at iba pang ikasasama ng buong team.

“All their (players) private life, I respect that, I have nothing to do with that, my only concerned is kapag nasabit sila sa gulo and that’s the time that they will be out of the team,” paliwanag ni Mikee.

At dahil suportado si Mikee ng mga sikat na basketball players tulad nina James, Marc, LA Tenorio at maraming iba pa ay tiyak na ang panalo nito sa kongreso.

“Hindi ko po alam ang epekto kasi first time kong pumasok sa politika kaya hindi po ako nakasisiguro,” pakumbabang sabi ni Mikee.

Nabanggit din ni Mr. Romero na may mga kamag-anak siya sa showbiz pero hindi niya ito hiningan ng tulong dahil nahihiya raw siya at higit sa lahat, baka raw busy ang mga ito.

Samantala, maganda ang tindig ni Romero sa taas nitong 6 feet at guwapo kaya natanong kung may experience siya sa showbiz noong kabataan niya since stepdad naman niya si ka Eddie.

Nahihiya pang umamin si Mikee, ”actually po, ramp model lang, hindi ko po nasubukan ang showbiz, sa business po ako kaagad napunta. Pero naging UAAP player po ako at hindi ako umabot sa PBA kasi nagka-injury ako. Kaya malapit po sa puso ko ang sports kasi rito ako galing.”

Sa tanong kung sino ang showbiz crush ni Mikee? ”May asawa na po ako at ayoko pong magalit siya sa akin,” napangiting sagot ng mama.

Pero napilit din siya at ang sinagot niya ay, ”si Miss Universe Pia Wurtzbach because she’s beautiful and very intelligent.”

FACT SHEET – Reggee Bononan

About Reggee Bonoan

Check Also

Jamela Villanueva Maris Racal Anthony Jennings

Pasabog kina Maris at Anthony parang national issue

I-FLEXni Jun Nardo UMARIBA ang mga sawsawero’t sawsawera sa pagbubuking kina Maris Racal at Anthony Jennings na para bang …

Blind Item Aktor hirap umupo TV Diretor

Male star bumalik sa pagbebenta ng lupa, direk iniwan

HATAWANni Ed de Leon NAKITA namin ang isang male star na gumagawa ng mga BL series sa …

Neri Naig

Neri Naig laya na, kasong isinampa ipinarerepaso 

HATAWANni Ed de Leon HALOS matapos ang limang araw na pinayagan si Neri Naig na madala sa …

Klinton Start

Klinton Start, patuloy sa paghataw sa dance floor

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio ILANG taon na ang nakaraan, isa si Klinton Start sa …

Rufa Mae Quinto Boy Abunda

Rufa Mae iginiit ‘di nanghingi ng pera; Kuya Boy naalarma para sa alaga

MA at PAni Rommel Placente NAGLABAS ng official statement si Rufa Mae Quinto hinggil sa ibinabatong akusasyon …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *