Sunday , January 11 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Marion at Michael, may show sa Zirkoh sa March 6

030416 marion michael

00 Alam mo na Nonie

NGAYONG Linggo na (March 6), ang back to back concert nina Marion at Michael Pangilinan na gaganapin sa Zirkoh, Tomas Morato. Pinamagatang M&M #pumapagibig, dito’y magpapakitang gilas ang dalawa sa kanilang galing sa musika. Magandaang tandem nina Michael at Marion at kakaibaang chemistry nila.

Si Michael ay may bagong album ngayon at katatapos lang ng premiere night ng pelikula niyang Pare, Mahal Mo Raw Ako na pinamahalaan ni Direk Joven Tan.

Si Marion naman ay super in-demand sa mga theme song ng pelikula at TV. Humahataw nang husto ang talented na anak ni Ms. Lala Aunor sa catchy song niyang Free Fall Into Love na isa sa carrier single ng self-titled album niya sa Star Music. Ginawa kasi itong station ID ng ABS CBN kamakailan at ginamit na theme song sa movie nina Gerald Anderson at Arci Muñoz na Always Be My Maybe.

Bago ito, si Marion din ang kumanta ng themesong ng Ex With Benefits starring Derek Ramsay at Coleen Garcia. Ang kanta niyang Wanna Be Bad at I Love You Always Forever (originally ni Donna Lewis) na parehong kasama sa latest album niya ay ginamit sa pelikula. Plus, ang kanta niyang nanalong 3rd place sa Himig Handog na If You Ever Change Your Minday ginamit din sateleseryeng Apoy sa Dagat. Samantalang ang Fallen and Sex On Legs na mula sa first album ni Marion ay ginamit din sa Moon of Desire.

Pati ang Be Like You na song niya sa second album, nagamit din sa Homecoming ni Pia Wurtzbach na pinalabas sa Sunday’s Best. Ang Take a Chance and Do Do Do naman, ginamit sa debut TV special ni Kathryn Bernardo. Sa Starmagic Ball last year, lahat halos ng songs ni Marion sa second album ay ginamit na background music doon.

Kaya dapat talagang bansagang Theme Song Princess si Marion.

Bilang patunay pa ng talent ni Marion sa musika, sa survey ng MOR 101.9 Baguio City ay nag-No. 1 ang kantang Free Fall Into Love kamakailan. Sa MOR 101.9 Puerto Princesa, nakasali ang kanta ng dalaga sa top 10 mula February 13-19.

Anyway, huwag palagpasin ang concert na M&M #pumapagibig. Guest dito sina Gerald Santos, Ahron Villena, Zyrus Imperial, at si Mavi Lozano. Kasama rin dito sina Tori Garcia, Pauline Cueto, Alyssa Angeles, Erika Mae Angeles, Sarah Ortega, Kikay & Mikay, Josh Yape, Maria Elena Tan, Glaiza Micua, Azrah Gaffoor, at Alex Datu. Ito’y mula sa direksiyon ni Throy Catan.

Ito’y para sa benefit ng Bahay Aruga na tumutulong sa pediatric cancer patients at matatagpuan sa Ermita, Manila. Kabilang sa sponsors ang Golden Legacy Jobmovers Corporation, Above Aesthetics, Kikay & Mikay, Fernando’s Bakery, Mega C, I Love My Sisters (Megasoft), Doctors Manny and Pie Calayan, Africa’s Catering, Kokuryu Cosmetics, at Atty. FerdieTopacio.

ALAM MO NA! – Nonie V. Nicasio

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Nonie Nicasio

Check Also

Vice Ganda Airport

Vice Ganda inilahad totoong nangyari sa airport

MA at PAni Rommel Placente SA pamamagitan ng kanilang noontime show na It’s Showtime, nagbigay ng reaksiyon …

Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith Father

Anne at Jasmine nagdadalamhati sa pagpanaw ng ama

ni Allan Sancon BALOT ng matinding lungkot ang pamilya nina Anne at Jasmine Curtis-Smith matapos pumanaw ang ama nilang …

James Curtis-Smith Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith

Anne at Jasmine dinagsa ng pakikiramay mula sa mga kaibigan, katrabaho

PUSH NA’YANni Ambet Nabus MALUNGKOT ang pasok ng 2026 kay Anne Curtis dahil sa pagyao ng ama …

Bam Aquino Vico Sotto

Talent manager at online show host Noel Ferrer pinangalanan sina Bam, Vico bilang People of the Year 2025

HINIRANG ng talent manager at online show host na si Noel Ferrer sina Senador Bam Aquino at Pasig City …

Rave Victoria

Rave Victoria masaya sa suportang natanggap sa PBB Collab 2

RATED Rni Rommel Gonzales BINANSAGANG ”Optimistic Apo ng Tarlac” natapos na ang Pinoy Big Brother Celebrity …