Friday , December 19 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Kathryn, feeling beautiful ‘pag darating sa set

MAGING si Kathryn Bernardo ay may kakaibang attitude rin kapag may shooting, kuwento pa ng aming source.

Feeling beautiful daw ito tuwing darating sa set. Alam naman kasi niya na hindi siya kagandahan kaya idinadaan na lang nito sa heavy make-up with contact lens plus fake eyelashes. Sa set nga raw maya’t maya raw ang re-touch ng kanyang make-up artist kahit hindi pa niya eksena.

Tulad nang pagyayari sa isang pelikulang ginawa nila ni Daniel Padilla. Ang role niya ay isang  student na simple lang ang beauty kaya siya nagustuhan ni Daniel.

May eksena ang dalawa na kailangang halos walang make-up ang young actress. May mga close-up scene sila ng young actor plus solo shot niya habang nagda-dialogue.

Before the take, rehearsal muna sina Kathryn at Daniel sa eksenang kukunan. Nang actual take na, lapit agad ang personal make-up artist ng dalaga para i-retouch ang make-up nito. Napansin ng director sa monitor ang eyelashes ni Kathryn, over yata sa mascara kaya pinatanggal ang fake na pilikmata dahil ang pangit tignan sa screen. Deadma lang ang young actress, para raw wala itong narinig.

Hindi tuminag sa  kanyang kinatatayuan si Kathryn, naka-simangot daw ito na para bang nagmamaktol.

Para matapos na lang ang eksena, hinayaan na lang daw ng director sa gusto nitong mangyari.

ANIK-ANIK – Eddie Littlefield

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Eddie Littlefield

Check Also

John Lloyd Cruz Ellen Adarna Elias Modesto

John Lloyd tinuligsa pagsusuot ng short sa recital ng anak

PUSH NA’YANni Ambet Nabus KAHIT marami ang natuwa sa magandang set-up ng co-parenting nina John Lloyd …

Pokwang Apology brother

Pokwang na-nega sa paghingi ng ‘sorry’ para sa kapatid, mambabatas binara

PUSH NA’YANni Ambet Nabus HINDI maganda ang naging reception ng netizen sa apology ni Pokwang on behalf …

Coco Martin Nicole

Coco ‘kinuha’ anak ni Katherine Luna

MA at PAni Rommel Placente KINUHA ni Coco Martin ang anak ng dating aktres na si Katherine Luna na …

Will Ashley Dustin Yu Bianca De Vera

Will deadma sa pagsasabong sa kanila ni Dustin

RATED Rni Rommel Gonzales MALAYO na talaga ang narating ni Will Ashley! Ngayon kasi ay bida …

Daniel Padilla Kaila Estrada

Daniel, Kaila hulicam pagka-sweet sa concert

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez HINDI nakaligtas sa mapanuring netizens ang pagpapakita ng ka-sweet-an nina Daniel Padilla at Kaila …