Thursday , December 26 2024

KABAKA (as in Kasama Sa Pakikibaka) o KABAKAS ng mga money launderer?

SA TINATAGAL-TAGAL ng panahon na tinatalakay natin ang malalang money laundering sa bansa, natuwa naman tayo at natauhan na ngayon ang Anti-Money Laundering Council (AMLC).

Sa kasalukuyan umano, kinakapa ng AMLC kung paanong nakapasok sa loob ng bansa ang US$100 milyones sa pamamagitan ng banking system, naipagbili sa black market foreign exchange broker, nailipat sa tatlong malalaking Casino, bumalik sa money broker hanggang mailipat sa overseas accounts para tuluyang mailbas sa bansa sa loob lamang ng ilang araw. 

Ganyan po kabilis ang operasyon ng money launderer sa bansa dahil napakaluwag ng iba’t ibang ahensiya ng pamahalaan sa sistemang ‘yan.

Bukod pa ‘yan sa proteksiyon na naibigay ng isang dating mambabatas na ngayon ay tumatakbong alkalde sa Maynila na si Rep. Amado Bagatsing.

Hindi ba’t minsan na nating tinalakay na si Bagatsing mismo ang nagmungkahi na tanggalin sa restriksiyon ng AMLC ang operasyon ng mga Casino sa bansa?!

Noon pa natin tinatalakay na mayroong mga Casino players na nakapapasok sa bansa dahil nasa junket sila at naka-enrol sa high rolling scheme sa  mga Casino.

Ilang halimbawa riyan ang Oriental Casino na mayroong operasyon sa Midas Hotel at sa Solaire Casino na sinabing pag-aari ng isang Kim Wong.

Karamihan umano ng nasa junket ng nasabing Casino ay hinihinalang Korean and Chinese gangster na malayang nakapaglalaba ng kuwarta sa bansa mula sa kanilang mga illegal transaction.

Hindi natin alam kung bakit ngayon lang nag-iingay ang AMLC gayong kung tutuusuin, sila ang mas may kakayahan para makapa ang operasyon ng mga nakapapasok na money launderer sa bansa.

Nag-iingay ba ngayon ang AMLC dahil nalalapit ang eleksiyon at alam nilang mayroong ilang politiko ang nakasambot ng nilanhang kuwarta sa Casino?!

‘Yan ba ang dahilan kung bakit ipinatanggal ni Bagatsing sa restriksiyon ng AMLC ang mga casino?!

Nagdududa na tuloy kung si Bagatsing ba ay tunay na KABAKA ng mga mamamayan laban sa mga money launderer?!

O baka naman sa totoo lang ‘e KABAKAS siya ng mga ilegalista at sindikato sa Casino?!

Ano ba talaga, Ka Amado?!

New MTPB Chief nangakong lilinisin ang kotong sa Maynila (Wee? Hindi nga?!)

PARA maniwala sa sinasabi ng isang hepe ng Manila Traffic and Parking Bureau (MTPB) na lilinisin niya sa kotongan ang kanyang departamento, kailangan ipakita niya ang pruweba.

At isa sa gusto nating makitang pruweba ‘e ‘yung linisin niya sa illegal parking ang Lawton na pinagrereynahan ng isang murderer.

At ‘yun ang gusto nating malaman, kaya bang linisin ng bagong hepe ng MTPB na isang Benjamin Feliciano Jr., ang nagliwasang illegal terminal sa Lawton?

I doubt!

‘E balitang-balita na diyan naglalagom sa Lawton ng ‘tara’ para sa MTPB.

Alam kaya ng bagong MTPB chief ‘yun?!

Pero kung mapapalayas ng bagong heoe ng MTPB ang illegal terminal sa Lawton na pinagrereynahan ng isang burikak, ‘e baka maniwala tayo na malinis ang kanyang hangarin na walisin ang mga ‘kotongero’ sa Maynila.

Aabangan namin ‘yan!

Congratulations Parañaque Press Club!

BINABATI natin ang mga opisyal ng Parañaque Press Club (PPC) na nanumpa kahapon sa kanilang tungkulin.

Nanumpa sila kay Parañaque Mayor Edwin Olivarez.

Ang panunumpa ay pinangunahan ni Armie Rico ng Abante bilang Presidente. Kasama ang iba pang opisyal na sina Michael Joe Delizo ng Manila Times, bilang vice president; Bella Gamotea ng balita, secretary; Lordeth Bonilla ng Pilipino Star Ngayon, treasurer; auditor si Gina Pleñago ng HATAW/Bulgar; Chairman of the Board si Amor Virata at mga director na sina Liza Soriano, Jerry Sabino, Cesar Morales, at Ariel Fernandez ng GMA/ Manila Bulletin.

Sinaksihan po natin ang panunumpa bilang Adviser ng grupo.

Congratulations PPC!

At maraming salamat sa suporta, Mayor Edwin Olivarez.

Mabuhay ang PPC! Mabuhay si Mayor Olivarez!

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0926.899.91.27 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)

Check Also

Sipat Mat Vicencio

Pagkikita nina Isko Moreno at Nelson Ty

SIPATni Mat Vicencio NAGKITA na nga sina dating Manila Mayor Isko “Yorme” Moreno at dating …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Kita ng TODAs, lumiit sa pagdami ng MC taxi

AKSYON AGADni Almar Danguilan MASYADO na palang bumaba o lumiit ang kita ng mga tricycle …

Firing Line Robert Roque

Gunning for amendments

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. ISINUSULONG ni Senator Ronald “Bato” dela Rosa ang mga …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Seguridad ng QCitizens  sa ‘Misa De Gallo’   tiniyak ni Buslig

AKSYON AGADni Almar Danguilan NAG-UMPISA na ang ‘Misa De Gallo’ na mas kilala na ngayon …

Firing Line Robert Roque

3 araw ng Metro road deaths

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. BINIGLA ang Metro Manila ng serye ng mga pagkamatay …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *