Saturday , January 24 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Anak ni Melanie na si Michelle, modelo na rin

NOONG endorser pa si Melanie Marquez ng New Placenta, madalas namin siyang nakakasama at nakakausap. Paminsan-minsan, karay-karay niya ang mga anak lalo na si Michelle na that time dalagita pa lang na medyo chubby at may pagka-boyish.

Hanggang sa manirahan si Melanie sa America kasama ang mga anak. Sa totoo lang, isa ako sa nagulat nang malaman kong model na pala si Michelle at ang ganda-ganda niya ngayon huh? Kamakailan ay isa siya sa mga rumampa sa Bench Fashion show.

Talagang sinundan ni  Michelle ang yapak ng kanyang ina.

Anak ni Melanie si Michelle kay Derek Dee na nag-aartista rin noong araw. Naging producer din ito noon under Omni Films.

At hindi na rin ako magtataka kung pati pag-join sa beauty pageant ay  gawin ni Michelle. Maganda siya, tsinita, flawless at kung height naman ang pag-uusapan, pang beauty queen din.

Nakatutuwa nga si Michelle dahil nang una niyang makita ang kanyang mukha sa lifestyle section ng mga newspaper ay tuwang-tuwa siya.

Very proud siyempre ang nanay niyang si Melanie na willing sumuporta sa anumang gustong gawin ng anak.

( TIMMY BASIL )

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Timmy Basil

Check Also

Liza Soberano

Liza Soberano nag-iingay na naman

PUSH NA’YANni Ambet Nabus ITONG si Liza Soberano, kahit hindi na based ang career sa bansa …

Will Ashley Mika Salamanca

Will at Mika na-bash sa patakip-takip ng mukha sa HK

PUSH NA’YANni Ambet Nabus “Ang arte naman. Nasa Hongkong na eh may patakip-takip pa ng …

Richard Gutierrez Barbie Imperial

Richard at Barbie package deal?

PUSH NA’YANni Ambet Nabus “What you see is what you get,” nga ang kapwa nasabi nina Richard …

Ralph Dela Paz

Newbie actor sinalubong ng malaking project

MATABILni John Fontanilla THANKFUL and grateful si Ralph Dela Paz sa Diyos dahil sa pagpasok ng taong …

Will Ashley Dubai

Will Ashley dinumog at inulan ng regalo sa Dubai

MATABILni John Fontanilla FEELING winner ang  kapuso teen actor na si Will Ashley sa suporta at dami …