Wednesday , December 17 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Alex, madalas daw late sa taping ng bagong show

KAHIT antipatika ang dating ni Alex Gonzaga, hindi ito nawawalan ng project. Katunayan, may bago siyang TV show sa Kapamilya Network na ididirehe ni Wenn V. Deramas. (Hindi lang namin alam kung sino na ang kapalit ngayong pumanaw na ang magaling na director).

Marami ang nagtaas ng kilay, bakit ‘ika mo? Sa rami ng artista ng ABS- CBN siya pa ang napili. Napag- alaman naming, mismong big bosses ng Dos ang nag-request sa box-office director na si Alex ang gawing bida sa nasabing TV series.  Maganda ang takbo ng istorya, nakaka-excite panoorin at kaabang-abang ang bawat episode, kuwento ng aming source.

Hanggang ngayon hindi pa rin nawawala ang pagiging prima donna ni Alex. Talbog nga raw ang utol niyang si Toni Gonzaga sa kaartehan. Akala mo raw big star kung umasta sa shooting at taping. Hindi naman daw kagandahan, ordinary lang ang beauty.

Sabi nga ng kausap namin, nakukuha lang sa magaling na make-up, kaya nag-iiba ang look nito at nagmu-mukhang pretty sa pictorial.

Sa shooting ng isang  pelikulang ginawa ni Alex, kung dumating daw ito ay laging late. Siyempre, explain ang dalaga kung bakit siya late. Kung ano-ano ang idinadahilan, buti na lang daw at mabait sa kanya ang director at kaibigan nito ang sis niyang si Toni.

Ma-realize sana ni Alex na malayo pa ang lalakbayan niya para marating ang pinapangarap niyang maging isang big star tulad ni Toni. Hindi naman siya ganoon kagaling as an actress/comedienne. Kailangan pa nitong i-improve ang acting niya.

Sana sa bago niyang TV show kakitaan naming si Alex ng kakaibang galing sa pag-arte.

ANIK-ANIK – Eddie Littlefield

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Eddie Littlefield

Check Also

Coco Martin Nicole

Coco ‘kinuha’ anak ni Katherine Luna

MA at PAni Rommel Placente KINUHA ni Coco Martin ang anak ng dating aktres na si Katherine Luna na …

Will Ashley Dustin Yu Bianca De Vera

Will deadma sa pagsasabong sa kanila ni Dustin

RATED Rni Rommel Gonzales MALAYO na talaga ang narating ni Will Ashley! Ngayon kasi ay bida …

Daniel Padilla Kaila Estrada

Daniel, Kaila hulicam pagka-sweet sa concert

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez HINDI nakaligtas sa mapanuring netizens ang pagpapakita ng ka-sweet-an nina Daniel Padilla at Kaila …

James Reid kathryn Bernardo Daniel Padilla Kaila Estrada

Daniel-Kaila ‘di nagpatalbog kina James-Kathryn

PUSH NA’YANni Ambet Nabus NAGING usap-usapan ang performance nina James Reid at Kathryn Bernardo sa katatapos na Christmas Special …

Angelica Panganiban Ellen Adarna

Angelica, Ellen nag-follow sa kani-kanilang IG, isasama pa sa GC

PUSH NA’YANni Ambet Nabus AYAN na, nag follow na sa isa’t isa sina Angelica Panganiban at Ellen Adarna sa …