Saturday , November 23 2024
Bulabugin ni Jerry Yap
Bulabugin ni Jerry Yap

P70-M ‘unholy alliance’ ni Chiz vs Bongbong

DESMAYADO at hindi lang daw natataranta si vice presidential candidate Francis “Chiz” Escudero kay Bongbong Marcos.

‘Yan ay kung pagbabasehan natin ang mga naglabasang balita na nagpakawala umano ng P70 milyones si Chiz para ipantapal sa magkalabang grupo ng mga kaliwete upang diinan ang kampanya laban kay Bongbong Marcos?

Alam naman nating lahat na si Bongbong ang pinakamabigat na kalaban ngayon ni Chiz sa vice presidency lalo’t naungusan na siya sa survey.

Bahagi umano ng P70 milyones na P50-M ay ibinigay ni Chiz sa Koa-lisyong Makabayan (KM).

Ang KM ay grupo umano ng mga leftist na reaffirmist (RA) o ‘yung naniniwala kay Jose Maria Sison a.k.a. Armando Liwanag, founder ng Communist Party of the Philippines (CPP).

Habang P20 milyones naman ay ibinigay umano sa SANLAKAS, isang multi-sectoral group naman na nasa rejectionist (RJ) na dating kinabibilangan ng pinaslang na si Felimon “Popoy” Lagman.

Sinasabing sa dalawang grupo na ‘yan mayroong ‘unholy alliance’ si Chiz upang tuluyang gibain ang kandidatura ni Bongbong.

Hindi na tayo nagtataka kung bakit nakagpa-ads sa mga diyaryo ang Campaign Against the Return of the Marcoes to Malacanang (CARMMA) na pinamumunuan ni Bonifacio Ilagan, vice chairman ng Selda.

Mukhang diyan nanggaling ang kanilang pondo.

Magugunitang nagpa-ads ang CARMMA ng whole-page ads sa mga piling diyaryong broadsheets at tabloids.

Ang isang whole page black-and-white ad sa broadsheet ay umaabot sa P185,000 o mas mataas pa at sa tabloid naman ay P45,000.

Kung tayo ay nasa ‘sapatos’ ng mga supporter ni Chiz, aba nakanenerbiyos kung totoo ang ginagawa niyang panunuhol sa makakaliwang grupo.

Kahit naman ‘bayaran’ niya ‘yang mga makakaliwang grupo hindi naman siya nakatitiyak na magiging sunud-sunuran sa kanya ang mga ‘yan di ba!?

Lalo na ‘yung grupong nagpapatakbo sa CARMMA.

‘Yung mga nasa grupong ‘yan ay kilalang mga institusyon sa akademya.

Ano kaya ang ipinangakong kapalit ni Chiz sa CARMMA?

Mukhang malaki na talaga ang nakokolekta ni Chiz sa kanyang campaign contributors dahil nakakaya niyang magpakawala nang ganyan kalaking halaga?

At kung totoo ang ‘suhulan,’ saan na kaya itinapon ng mga reaffirmist at CARMMA ang kanilang mga prinsipyo?!

Ganoon din ang Sanlakas?!

Mukhang totoo para sa kanila ang kasabihang hindi nakakain ang prinsipyo…

Pero hindi man lang ba sumagi sa isipan nila na mahirap lunukin ang pagkain kapag walang prinsipyo?!

Ang masaklap dito, nagamit pa sila sa ‘pagkataranta’ ni Chiz na ang layunin ay talunin si Bongbong sa vice presidential race; magkaroon ng ma-lawak na makinarya para sa kanyang kampanya dahil wala siyang partido; at ikatlo gusto niyang tiyakin na mabibili niya ang boto ng KM at Sanlakas.

Napurol na ba sa pag-aanalisa ang dati ay mga inirerespetong leftist groups?

BAWAL BANG MANOOD NG SABONG SA WEBSITE?!

SABI nga e-world penetrated people from all walks of life.

Akala natin noong una, ang e-world ay para lang sa academy and commerce pero dumating ang panahon na ginamit na ito hanggang sa recreation.

Dahil sa internet, nagkaroon ng maraming innovations sa iba’t ibang aspekto ng buhay.

Isa na rito ang dibersiyon na sabong, hindi tupada. Nauuso na kasi ngayon ‘yung online sa-bong.

Marami tayong kakilala na imbes magpunta pa sa cockpit arena, mas type na nilang sa bahay na lang manood ng sabong.

Tumatawag na lang din sila, para ikasa ang kanilang pusta sa kanilang kristo.

Pero nalungkot ang ibang kaibigan natin na may sabungan dahil mayroong ilang operatiba ng law enforcement units gaya ng National Bureau of Investigation (NBI) at Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) ang nananalakay (raid) ng mga sabungan na mayroong mga ca-mera at website.

Ang tanong nga ng mga may-ari ng sabungan na nilusob ng mga law enforcer, may nilalabag ba silang batas base sa Presidential Decree 1602?!

Anong specific provision sa cyber-crime law ang nilalabag nila, kung mayroon man?

Masama bang maging innovative para palakasin ang kanilang sabungan nang sa gayon ay mamantina nila ang pag-i-empleyo ng mga tauhan na kumikita sa kanila kaysa nakatunganga at walang mapagkikitaan sa maghapon?!

Bakit ang karera ng kabayo nasa cable TV? Bakit ang mga casino ay may odds betting station ng basketball games? Bakit ang Jai-alai may live broadcast din?

Bakit ang pambansang libangan na sabong ng mga Filipino ay ipinagbabawal nila!?

At kung may nilalabag man silang batas, bakit selective ang ginagawang raid sa mga sabu-ngan?! Bakit hindi salakayin ang lahat ng mga sabungan na may website or online?!

Ang isa pang ipinagtataka nila, kung talagang may nilalabag silang batas, bakit ang nag-iisyu ng search warrant ay judge mula sa Cavite o Olongapo kahit ang target salakayin ay nasa Tarlac.

Mantakin ninyo Region IV judge to Region III establishment?!

May naaamoy tayong malansa sa ganitong kalakaran ‘di ba!?

At totoo rin ba ang balita na hinihingian ng milyones ang mga nire-raid nilang sabungan na mayroong website?!

Sonabagan!

Simpleng raket ba ‘yan ng law enforcers o mayroong kumukumpas para gipitin ang iba pang sabungan?!

Anak ng tungaw!!!

Pati ba sabong online ay may monopolyo na!?

Pakisagot lang po!

AGE BRACKET NA 56 YEARS OLD PARA SA SENIOR CITIZENS ISULONG NA!

Pabor tayo sa isinusulong na panukalang batas (House Bill 6340) ni AKO BICOL party-list Rep. Rodel Batocabe na babaan ang age requirement para sa mga senior citizen.

Actually, isa ito sa mga isusulong naming panukalang batas kung hindi ‘tinarantado’ ng 3M division ni Sixtong ‘este Sixto Brillantes ang aplikasyon ng Alab ng Mamamahayag (ALAB) sa party-list noong 2013.

Anyway, natutuwa tayo at mayroong party-list na nagsusulong nito ngayon.

Malaki po kasi ang pangangailangan na ibaba na ang age requirement ng senior citizen dahil masyado na pong umiikli ang life span ng mga tao ngayon lalo sa bansa natin.

‘Yan ay dahil sa iba’t ibang kadahilanan, poor health attention, pollution, mga pagkaing kinakain, labor related problem.

Sabi nga, kapag senior citizen na, marami nang discount, freebies etc.

Mayroon nang 20 percent discount sa lahat ng services bukod pa sa 12 percent na VAT gaya sa pasahe, hotel, sine, at iba pa.

Pero ano naman ang silbi ng mga discount na ‘yan kung hindi na makapamasyal o makabiyahe dahil masakit na ang mga paa, o mahina na o lagi nang dumadalaw sa mga ospital.

Kung ibababa nga naman ang senior citizen age bracket, mas mai-enjoy nila ang perks and privileges na ‘yan.

Suportahan po natin ang panukala ni AKO BICOL party-list Rep. Batocabe!

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0926.899.91.27 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)

Check Also

Aksyon Agad Almar Danguilan

Mayor Joy B., muling pinarangalan ng CSC; 4,025 QCitizens, nilektyuran ng QCPD vs terorista, etc.

AKSYON AGADni Almar Danguilan SANA ALL. Ang alin? Sana all ng alkalde sa National Capital …

Firing Line Robert Roque

Alerto sa backlash

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. PARA sa isang analyst sa United States, isa ito …

Firing Line Robert Roque

Mga senador na nasa tama, nagkamali

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. MARAHIL humupa na sa ngayon ang galit ng publiko …

Aksyon Agad Almar Danguilan

“Kian Bill” para sa mga inosente, isabatas na!

AKSYON AGADni Almar Danguilan IYAN ang sigaw o panawagan ng grupong Akbayan Partylist sa Kongreso. …

PADAYON logo ni Teddy Brul

Upakan sa Pasig umiinit

PADAYONni Teddy Brul HINAMON ni dating Pasig City councilor, Atty. Ian Sia si Mayor Vico …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *