Saturday , November 23 2024

Bawal bang manood ng sabong sa website?!

SABI nga e-world penetrated people from all walks of life.

Akala natin noong una, ang e-world ay para lang sa academy and commerce pero dumating ang panahon na ginamit na ito hanggang sa recreation.

Dahil sa internet, nagkaroon ng maraming innovations sa iba’t ibang aspekto ng buhay.

Isa na rito ang dibersiyon na sabong, hindi tupada. Nauuso na kasi ngayon ‘yung online sabong.

Marami tayong kakilala na imbes magpunta pa sa cockpit arena, mas type na nilang sa bahay na lang manood ng sabong.

Tumatawag na lang din sila, para ikasa ang kanilang pusta sa kanilang kristo.

Pero nalungkot ang ibang kaibigan natin na may sabungan dahil mayroong ilang operatiba ng law enforcement units gaya ng National Bureau of Investigation (NBI) at Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) ang nananalakay (raid) ng mga  sabungan na mayroong mga camera at website.

Ang tanong nga ng mga may-ari ng sabungan na nilusob ng mga law enforcer, may nilalabag ba silang batas base sa Presidential Decree 1602?!

Anong specific provision sa cybercrime law ang nilalabag nila, kung mayroon man?

Masama bang maging innovative para palakasin ang kanilang sabungan nang sa gayon ay mamantina nila ang pag-i-empleyo ng mga tauhan na kumikita sa kanila kaysa nakatunganga at walang mapagkikitaan sa maghapon?!

Bakit ang karera ng kabayo nasa cable TV? Bakit ang mga casino ay may odds betting station ng basketball games? Bakit ang Jai-alai may live broadcast din?

Bakit ang pambansang libangan na sabong ng mga Filipino ay ipinagbabawal nila!?

At kung may nilalabag man silang batas, bakit selective ang ginagawang raid sa mga sabungan?! Bakit hindi salakayin ang lahat ng mga sabungan na may website or online?!

Ang isa pang ipinagtataka nila, kung talagang may nilalabag silang batas, bakit ang nag-iisyu ng search warrant ay judge mula sa Cavite o Olongapo kahit ang target salakayin ay nasa Tarlac.

Mantakin ninyo Region IV judge to Region III establishment?!

May naaamoy tayong malansa sa ganitong kalakaran ‘di ba!?

At totoo rin ba ang balita na hinihingian ng milyones ang mga nire-raid nilang sabungan na mayroong website?!

Sonabagan!

Simpleng raket ba ‘yan ng law enforcers o mayroong kumukumpas para gipitin ang iba pang sabungan?!

Anak ng tungaw!!!

Pati ba sabong online ay may monopolyo na!?

Pakisagot lang po!

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0926.899.91.27 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)

Check Also

Sir Jerry Yap JSY Ed de Leon

Sa unang Pasko na wala siya
JSY HINDI NAKALIMOT SA MGA EMPLEYADO

ni ED de LEON AYOKONG isipin na wala na si Boss Jerry. Ang laging nasa …

Sir Jerry Yap JSY Nino Aclan

JSY, the best boss that i’ve ever met

ni Niño Aclan SIR JSY is the “Best Boss” that I’ve ever meet. Ganito ko …

Sir Jerry Yap JSY Bong Son

Totoong tao, tunay na kaibigan, best boss ever

ni BONG SON TUNAY na ako’y napahanga sa ipinakitang pagmamahal ng publisher ng HATAW Diyaryo …

Sir Jerry Yap JSY Ms M

Forever grateful kay JSY

ni Maricris Valdez-Nicasio COOL boss. Ganito ko sabihin at ilarawan ang aming publisher na si …

Sir Jerry Yap JSY Rose Novenario

Matatag, maaasahan, may paninindigan
PINAKAMATAAS NA PAGSALUDO SA IYO, SIR JERRY!

ni ROSE NOVENARIO KUNG ilalarawan ko ang pagkatao ni Jerry Sia Yap bilang employer at …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *