Thursday , December 26 2024

Mysterious death ng Assistant Manager ng Solaire Resort dapat imbestigahan!

MISTERYOSO ang kamatayan ng isang babaeng assistant manager mismo ng Solaire Resort and Casino nitong nakaraang linggo bago mag-weekend.

Ang biktima ay kinilala sa pangalang Jhoy Mercado. Ang unang pumutok na balita, binugbog umano ng boyfriend dahil punong-puno ng pasa sa katawan.

Pero lumabas na renal failure ang dahilan ng kamatayan ng biktima, kaya raw mayroong lumabas na hematoma sa iba’t ibang bahagi ng katawan.

Ayon sa ilang impormante, nag-check-in si Ms. Mercado at ang kanyang live-in partner na kinilalang isang Rodney Ynchausti sa Solaire nitong bago matapos ang weekend.

At noon nga nangyari ang misteryosong kamatayan sa loob mismo ng Solaire.

Ilang impormante natin na empleyado ng Solaire ang medyo nalungkot sa nangyari kaya nga gusto nilang maimbestigahan ang nasabing kamatayan.

Mayroon kasing tinatawag na party drugs (Ecstacy pill) na sinasabing maraming Solaire employees ang nalululong dito.

Ito ang ilang haka-haka ng mga impormanteng nakakausap natin.

Ikinukuwento nila sa atin ang bagay na ito, hindi para pagtsismisan ang naging kamatayan ng isang biktima.

Sinasabi nila ito sa atin para hindi na mangyari muli ang kaparehong insidente dahil hinahangad nila na maimbestigahan ito.

Ilang misteryosong kamatayan na rin kasi ang nangyari na ang biktima ay laging konektado sa Solaire.

Hindi man direktang empleyado nila ay frequent goer naman sa Solaire.

Ano na ba ang nangyari sa inambus na Solaire VIP guest sa Cavite?!

Sabihin na nating walang kinalaman ang Solaire management sa mga misteryoso at eskandalosong kamatayan na ‘yan, pero dapat naman sigurong magtaka at mag-isip ang security group ng nasabing resort and casino lalo’t kung ang mga taong nasasangkot ay empleyado nila o madalas na nagpupunta sa kanila.

Ang isa pang dapat natin i-check dito, may history ba ng renal problem ang biktimang si Jhoy?!

Ayon kasi sa ilang eksperto na nakakausap natin, isa sa mga palatandaan ng drug overdose ang renal failure.

Huwag nang gamitin ang kamatayan ni Jhoy bilang pagrespeto sa damdamin ng kanyang pamilya pero mismong ilang empleyado ay nagsasabi na kailangan ng drug test sa hanay nila para makatiyak na ang buong Solaire ay ligtas sa ilegal na droga.

Kung gusto ng Solaire management na matigil ang tsismis at haka-haka na nagiging bagsakan sila ng ilegal na droga kailangan patunayan nila.

At ‘yan ay sa pamamagitan ng drug test sa kanilang mga empleyado.

Unahin nang i-drug test ang security group ng Solaire!

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0926.899.91.27 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)

Check Also

Sir Jerry Yap JSY Ed de Leon

Sa unang Pasko na wala siya
JSY HINDI NAKALIMOT SA MGA EMPLEYADO

ni ED de LEON AYOKONG isipin na wala na si Boss Jerry. Ang laging nasa …

Sir Jerry Yap JSY Nino Aclan

JSY, the best boss that i’ve ever met

ni Niño Aclan SIR JSY is the “Best Boss” that I’ve ever meet. Ganito ko …

Sir Jerry Yap JSY Bong Son

Totoong tao, tunay na kaibigan, best boss ever

ni BONG SON TUNAY na ako’y napahanga sa ipinakitang pagmamahal ng publisher ng HATAW Diyaryo …

Sir Jerry Yap JSY Ms M

Forever grateful kay JSY

ni Maricris Valdez-Nicasio COOL boss. Ganito ko sabihin at ilarawan ang aming publisher na si …

Sir Jerry Yap JSY Rose Novenario

Matatag, maaasahan, may paninindigan
PINAKAMATAAS NA PAGSALUDO SA IYO, SIR JERRY!

ni ROSE NOVENARIO KUNG ilalarawan ko ang pagkatao ni Jerry Sia Yap bilang employer at …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *