Friday , November 15 2024

Mysterious death ng Assistant Manager ng Solaire Resort dapat imbestigahan!

MISTERYOSO ang kamatayan ng isang babaeng assistant manager mismo ng Solaire Resort and Casino nitong nakaraang linggo bago mag-weekend.

Ang biktima ay kinilala sa pangalang Jhoy Mercado. Ang unang pumutok na balita, binugbog umano ng boyfriend dahil punong-puno ng pasa sa katawan.

Pero lumabas na renal failure ang dahilan ng kamatayan ng biktima, kaya raw mayroong lumabas na hematoma sa iba’t ibang bahagi ng katawan.

Ayon sa ilang impormante, nag-check-in si Ms. Mercado at ang kanyang live-in partner na kinilalang isang Rodney Ynchausti sa Solaire nitong bago matapos ang weekend.

At noon nga nangyari ang misteryosong kamatayan sa loob mismo ng Solaire.

Ilang impormante natin na empleyado ng Solaire ang medyo nalungkot sa nangyari kaya nga gusto nilang maimbestigahan ang nasabing kamatayan.

Mayroon kasing tinatawag na party drugs (Ecstacy pill) na sinasabing maraming Solaire employees ang nalululong dito.

Ito ang ilang haka-haka ng mga impormanteng nakakausap natin.

Ikinukuwento nila sa atin ang bagay na ito, hindi para pagtsismisan ang naging kamatayan ng isang biktima.         

Sinasabi nila ito sa atin para hindi na mangyari muli ang kaparehong insidente dahil hinahangad nila na maimbestigahan ito.

Ilang misteryosong kamatayan na rin kasi ang nangyari na ang biktima ay laging konektado sa Solaire.

Hindi man direktang empleyado nila ay frequent goer naman sa Solaire.

Ano na ba ang nangyari sa inambus na Solaire VIP guest sa Cavite?!

Sabihin na nating walang kinalaman ang Solaire management sa mga misteryoso at eskandalosong kamatayan na ‘yan, pero dapat naman sigurong magtaka at mag-isip ang security group ng nasabing resort and casino lalo’t kung ang mga taong nasasangkot ay empleyado nila o madalas na nagpupunta sa kanila.

Ang isa pang dapat natin i-check dito, may history ba ng renal problem ang biktimang si Jhoy?!

Ayon kasi sa ilang eksperto na nakakausap natin, isa sa mga palatandaan ng drug overdose ang renal failure.

Huwag nang gamitin ang kamatayan ni Jhoy bilang pagrespeto sa damdamin ng kanyang pamilya pero mismong ilang empleyado ay nagsasabi na kailangan ng drug test sa hanay nila para makatiyak na ang buong Solaire ay ligtas sa ilegal na droga.

Kung gusto ng Solaire management na matigil ang tsismis at haka-haka na nagiging bagsakan sila ng ilegal na droga kailangan patunayan nila.

At ‘yan ay sa pamamagitan ng drug test sa kanilang mga empleyado.

Unahin nang i-drug test ang security group ng Solaire!   

Pangako ng trapo sa Guiguinto nagawa na ni Mayor Gani!

Ngayong panahon na naman ng bolahan ‘este kampanya ay kanya-kanyang pangako at pang-uuto ang ilang TRAPO (traditional Politician) sa mga botante.

Pagalingan ng papogi!

Pero may isang naiiba sa mga trapo … walang iba kundi ang dating Guiguinto Mayor ISAGANI PASCUAL na sa panahon ng panunungkulan niya ay naisakatuparan ang mga ipinapangako pa lang ngayon ng mga kalaban niya.

Garantisado at epektibo lahat ng mga naging proyekto niya sa kanyang bayan.

Proyektong pang-edukasyon, kalusugan at pangkabuhayan ay nailatag nang maayos ni Mayor Gani.

Libreng matrikula sa mahigit na 21 day-care centers na umaabot sa libong estudyante.

Libreng gamit rin sa eskwela gaya ng lapis, papel, krayola, notebooks, pambura at mga libro na nakalagay sa maayos na bag at may kasamang pambaon.

Itinaguyod rin ang full scholarship sa kolehiyo para sa kabataang mahihirap.

Ang mga ipinangako o pangako ng kanyang katunggali sa libreng gamot at serbisyo-medikal lalo sa senior citizens ay nagawa na niya.

Kaya nga nagsisisi ngayon ang mga taga-Guiguinto dahil tila napabayaan ang 100 posiyento na libreng gamutan noon sa kanilang ospital.

Hindi siguro prayoridad ng mga nakaupo ngayon ang health services sa kanilang bayan?

Sabi nga ng mga taga-Guiguinto, hindi na kami magiging ‘bobotante’ at magpapasilaw sa konting barya sa  darating na eleksiyon.

Mas pipiliin nila si Mayor Gani Pascual na naranasan na nilang magsilbi nang tunay.

TEAM GP lamang nina Mayor Gani Pascual at Bise Pute Aballa ang kanilang iboboto ngayon at wala nang iba!

APRUB!!!

Si Geron pala ang katapat ni Madarang!

Hindi raw akalain ng marami na si Comm. Ronaldo Geron pala ang magiging ‘katapat’ ni IO CASIMIRO MADARANG na matagal nang namamayagpag sa Cebu Immigration!

Kung ilang dekadang hindi nagagalaw si Cashmiro ‘este’ Casimiro Madarang sa Cebu at hindi raw malaman kung anong klaseng agimat meron ang nasabing mama!

Kamakailan, nagpalabas ng P.O. si Comm. Geron para ‘itawid ng dagat’ si Madarang patungong Bohol.

Hindi lang yata anim na commissioners ang dumaan sa Bureau pero hindi man lang natinag sa Cebu si Lolo Madarang!

Sabi nga nila, aba ay sobra na, tama na, at talagang umaapaw na ang salapi ‘este ang suwerte ng lolo Madarang ninyo dahil mula pa noong manungkulan si GMA hanggang ngayong patapos na ang termino ni PNoy ay nariyan pa rin aiya at tila nabili na ang ‘franchise’ ng BI-Cebu!

Sus ginoo! Giatay gyud!

Napakarami na rin daw ang sumubok na gibain siya pero wa epek pa rin kesehodang silipin pa ang kanyang ‘misteryosong’ credentials and eligibility!

Wattapak!!!

Sabi nga nila, sometimes money talks!?

At sayang lang ang efforts ninyo dahil halos lahat raw ng naging commissioners ay nadarang ‘este’ naging friendly kay Madarang!?

Remember the attaché case story given to one commissioner sa isang 5-star hotel many years ago?

‘Di ba alam na alam mo ‘yan, Atty. Tan-5?

It’s a job well done for Comm. Geron!

Sir, para malubos-lubos na rin po mas mabuti siguro kung ipa-LIFESTYLE CHECK n’yo na rin si IO Madarang bago man lang siya magretiro next year!

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0926.899.91.27 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)

Check Also

Firing Line Robert Roque

Mga senador na nasa tama, nagkamali

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. MARAHIL humupa na sa ngayon ang galit ng publiko …

Aksyon Agad Almar Danguilan

“Kian Bill” para sa mga inosente, isabatas na!

AKSYON AGADni Almar Danguilan IYAN ang sigaw o panawagan ng grupong Akbayan Partylist sa Kongreso. …

PADAYON logo ni Teddy Brul

Upakan sa Pasig umiinit

PADAYONni Teddy Brul HINAMON ni dating Pasig City councilor, Atty. Ian Sia si Mayor Vico …

Sipat Mat Vicencio

Imee Marcos hinayaan babuyin ang amang si Makoy

SIPATni Mat Vicencio HINDI man lamang nagawang ipagtanggol ni Senator Imee Marcos ang kanyang amang …

Dragon Lady Amor Virata

Overstay sa Amerika, deportation parusa ni Trump

Isumbong mokay DRAGON LADYni Amor Virata MARAMING Pinoy ang nangangamba ngayon sa Amerika lalo mga …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *