Saturday , December 6 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Regine Tolentino, lumalagari sa ABS CBN, TV5 at GMA-7!

00 Alam mo na NonieSOBRA talaga ang sipag ng talented na si Regine Tolentino. Bukod kasi sa pagiging devoted mother sa mga anak niyang sina Azucena Reigne at Alessandra Reigen, super-busy din siya sa pagiging entrepreneur sa kanyang Regine’s Boutique at humahataw pa siya sa TV. Idagdag pa rito ang kayang pagiging undisputed Zumba Queen at pagiging healthy living advocate, talagang sasaludo ka kay Regine!

Sa ngayon, bukod sa Unang Hirit ay napapanood si Regine sa Ang Panday ng TV5 at kasali rin siya sa We Will Survive ng ABS CBN na tinatampukan nina Pokwang at Melai Cantiveros. May show din siya Viva Channel na pinamagatang Go Get Fit.

“I have a special semi-regular role dito sa We Will Survive. Ang saya, at ang sarap kasama itong co-actors ko, lalo na si Ms. Pokwang na super love ko.

022916 Regine Tolentino“I play Carmen, owner of the salon that Wilma (Pokwang) applies to. As she is training, napansin ko ang talent niya sa pag-asikaso, gupit, kulay, and make up ng clients,” saad sa amin ni Ms. Regine.

Since isa kang workaholic, gaano ka ka-happy na lumalagari ka sa ABS, TV5 at GMA 7?

“Sobra-sobra akong masaya na nakakapagtrabaho ako sa tatlong network at four na network bale dahil sa bagong show ko Sa Viva Channel, It’s called Go Get Fit. It’s a dance fitness and wellness program.

“I am so blessed and happy to be a part of these show because I love the challenge and opportunity to do what I do best and with a passion. Sobra akong nagpapasalamat sa lahat ng blessings kaya ginagalingan ko talaga ang trabaho ko.”

Ayon pa kay Ms. Regine, pinaghandaan talaga niya ang pagbabalik sa pag-arte dahil dito raw siya nagsimula noong bahagi pa ng Star Circle ng Dos.

“Pinaghandaan ko talaga, matagal na akong hindi bumabalik sa mga teleserye.

Sobrang busy ako sa mga zumba and other activities kaya noong nakuha ko iyong role, I was so excited,” saad pa niya ukol sa seryeng Ang Panday.

ALAM MO NA! – Nonie V. Nicasio

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Nonie Nicasio

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …