Sunday , March 15 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Pareng Lino, dream makasama sa pelikula si John Lloyd Cruz

00 Alam mo na NonieISA sa pangarap ng masipag na komedyanteng si Pareng Lino ay ang makatrabaho rin sa pelikula ang magaling na actor na si John Lloyd Cruz. Bahagi si Pareng Lino ng sitcom na Home Sweetie Home ng ABS CBN na tinatampukan nina Lloydie at Toni Gonzaga at dito niya nakilala nang husto si Lloydie.

Kaya naman sobrang bilib ng komedyante sa Kapamilya star dahil sa kabaitan nito at propesyonalismo sa kanyang craft. Recently ay kinilala sa Berlinale Film Festival ang pelikula nina Lloydie at Piolo Pascual titled Hele sa Hiwagang Hapis ni Direk Lav Diaz. Ang tanyag at award winning Hollywood actress na si Meryl Streep ang jury president dito.

Kinuha namin ang reaction ni Pareng Lino ukol dito. “Actually, di ko panakita yung new movie ni John Lloyd, pero kahit hindi ko pa nakikita, bilib naman talaga ako kay Lloydie. Kasi bukod sa husay niya, siya ay disiplinadong artista at napakabuti pa niyang tao.

“Sa totoo lang hindi siya maingay eh… pero alam ko ang dami na niyang natulungan, na sa ibang tao ko naririnig. Bukod pa riyan, iyong napakagaling niyang makisama talaga sa lahat,” saad ng komedyante.

022916 lloydie pareng lino
Bukod sa TV, sinabi ng Kalokalike ni Wally Bayola na dream din niyang makasama sa movie si Lloydie. “Oo naman, kahit sinong actor siguro pangarap yun. Kay Lloydie kasi hindi lang acting ang matutunan mo, pati iyong disiplina.

“Iba siyang katrabaho, siya iyong taong papangarapin mo talagang makatrabaho. Pero siguro di pa ako bagay doon. Kasi, bago siguro ako dumating doon, marami pang mas naka-line-up para sa kanya, bago ako, hehehe. Pero kung dumating ang pagkakataon na iyon, naku, panalong-panalo iyon!”

From Wally Waley, bakit Pareng Lino na ang ginamit mong screen name?

“Iyon na po kasi ang ipinagamit ni Direk Bobot po.”

Kung sakali, ano’ng tipo ng movie ang gusto mong makatrabaho si Lloydie? “Ako gusto ko comedy para ma-establish ang pagiging comedian ko. Dati kasi, nakagawa na rin ako ng fantasy sa Golden Bibe, pero beat role lang iyon.”

Sa ngayon, bukod sa acting ay pinagkaka-abalahan din ni Pareng Lino ang munting business niyang travel agency.

ALAM MO NA! – Nonie V. Nicasio

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Nonie Nicasio

Check Also

Rabiya Mateo

Rabiya Mateo lalayasan na ang showbiz

I-FLEXni Jun Nardo PLANO na ng beauty queen na si Rabiya Mateo na lumayas na sa …

Jillian Ward Eman Bacosa Pacquiao

Jillian blooming dahil daw kay Eman Bacosa

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa social media ang mga larawang ipinost ng Kapuso …

Klea Pineda Janella Salvador property

Janella, Klea bumili ng property

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez HINDI pa malinaw ang tunay na estado ng relasyon nina Klea Pineda at Janella …

Zanjoe Marudo Angelica Panganiban Bea Alonzo Vincent Co The Silent Noise

Zanjoe nagulat, masaya sa kasalang Bea-Vincent; Role sa The Silent Noise mahirap palampasin 

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez IKINAGULAT subalit masaya ang aktor na si Zanjoe Marudo sa nakatakdang pagpapakasal ng …

Ahtisa Manalo GMA7 Sparkle

Ahtisa Manalo pumirma na sa GMA

PUSH NA’YANni Ambet Nabus PUMIRMA na sa Sparkle Artist ng management contract si Ahtisa Manalo kayainaasahang hahakot ito ng viewers …