Friday , November 15 2024

Driver mechanic kinatay ng 3 kapitbahay (‘Di namigay ng balato)

PATAY ang isang driver mechanic makaraan saksakin ng tatlong kapitbahay sa loob ng kanyang bahay nang hindi magbigay ng balato at hindi sila tinuruan sa paggawa ng electric generator sa Caloocan City kamakalawa ng gabi.

Hindi na umabot nang buhay sa Dr. Rodriguez Memorial Hospital ang biktimang si Frederick Yap, 50, ng Phase 8-B, Brgy. 176, Bagong Silang ng nasabing lungsod, sanhi ng mga tama ng saksak sa dibdib.

Habang pinaghahanap ang mga  suspek na sina Raquel Flores, alyas Roger at alyas Rolly, mabilis na tumakas makaraan ang insidente.

Ayon sa ulat ni PO3 Rhyan Rodriguez, dakong 10 p.m., kausap ng biktima ang kanyang kinakasama na si Eden Guevarra sa kanilang bahay nang biglang pumasok ang mga suspek at pinagsasaksak si Yap.

Sa imbestigasyon ng pulisya, gusto ng mga suspek na humingi ng balato sa biktima o kung hindi man ay turuan sila kung paano gumawa ng electric generator ngunit hindi pumayag si Yap na labis na ikinagalit ng mga salarin.

Napag-alaman din na naibenta ni Yap ang huli niyang nabuong electric generator sa halagang P350,000.

About Rommel Sales

Check Also

Erwin Tulfo

Tulfo una sa bagong survey

NANGUNA si ACT-CIS party-list Rep. Erwin Tulfo sa pinakabagong senatorial preference survey na isinagawa ng …

Senate PCO

Seminar vs fake news hikayat ni Pimentel sa PCO para sa Senado

INIMBITAHAN ni Senate Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel III ang Presidential Communications Office (PCO) na …

Las Piñas Seal of Good Local Governance

Las Piñas City pinarangalan ng Seal of Good Local Governance 2024 ng DILG

SA KAUNA-UNAHANG PAGKAKATAON, pinarangalan ang Las Piñas City ng prestihiyosong Seal of Good Local Governance …

Siling Labuyo

Apela ni Kiko  
BANTAY SILING LABUYO, PRICE FREEZE SAKLAWIN

MAHIGPIT na implementasyon ng price freeze ang kailangan upang mapigil ang pagtaas ng presyo ng …

Black

Iwasan, mga kaalyado ni Duterte sa eleksiyon

ISANG grupo ng mapagmalasakit na Filipino ang umaapela sa mga botante na pumili ng kandidatong …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *