Friday , November 22 2024

Sakripisyo ng mga pulis ‘di dapat kalimutan — Bongbong

IPINAKITA ni vice presidential candidate, Sen. Bongbong Marcos ang kanyang mataas na pagpapahalaga sa mga sakripisyong iniaalay ng mga kagawad ng Philippine National Police (PNP) para sa mamamayan.

Sinabi niya ito kahapon sa ika-36 Grand Alumni Homecoming ng Philippine National Police Academy (PNPA) sa Camp Marinao Castañeda sa Silang, Cavite.

Nakiusap si Sen. Bongbong sa mga mamamayan na huwag kalimutan ang sakripisyo ng mga pulis sa pagbibigay ng proteksiyon sa bawat komunidad sa bansa.

Alam nating mas makintal sa isipan ng mamamayan ang mga kapalpakan ng ilang pulis lalo na ‘yung mga sangkot sa lahat ng uri ng illegal gaya ng droga, patong sa illegal parking gaya sa Lawton, at oba pang uri ng protection racket.

Pero alam din natin na mayroong mga puls na nagtitiisa sa kung ano ang kaya nilang buhay basta’t hindi nadudungisan ang kanilang tsapa at uniporme.

Ani Sen. Bongbong, “The police…we depend so much for the safety and security of the general public. It is always very important to remember the sacrifices that they made and the bravery and honor that they’ve shown in carrying out their duties.”

Si Sen. Bongbong ay dumalo sa nasabing seremonya bilang honorary member ng PNPA “Tagapagbuklod Class of ‘89.”

Sinansala rin ng Senador ang mga bintang na kaya siya nasa PNPA Homecoming ay dahil sa politika.

Aniya, huwag nilang lagyan ng masamang kulay ang isang bagay na lagi ko nang ginagawa kahit hindi pa ako tumatakbong bise presidente.

Nagpunta si BBM sa grand alumni ng PNPA upang pataasin ang moral ng kanilang hanay hindi para mamotitika.

Paulit-ulit nga namang nasasalang sa alanganin ang kredebilidad ng pulisya kaya hindi dapat na sila ay nagiging saling-kuwento bilang mga tiwaling alagad ng batas.    

Mas mabuti nga naman ikuwento ang magagandang bagay na kanilang nagawa at maipakita ang kagandahang asal para sa mga bata lalo sa pre-schoolers.

Anyway, umaasa pa rin tayo na ang mismong PNP ang maglilinis at magbabantay sa kanilang hanay.

 Mabuhay ang PNP!

Long live sa mga naghahangad na gumanda ang imahe ng pulisya.

Pati sa ere may traffic na rin? (Attn: CAAP)

Tinatawagan natin ang pansin ng Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP)!

Ito ay kaugnay sa unti-unti lumalalang problema sa air traffic ng ating bansa.

Mula sa domestic hanggang sa international flights ay masama ang nagiging karanasan ng ating mga kababayan.

Mantakin ninyong halos 30 minuto ang nababalam sa paglipad (take-off) ng isang eroplano dahil sa lintik na air traffic na ‘yan?!

Pati ba eroplano ay sumisikip na rin sa ere?!

Sonabagan!

Mayroon pa bang CAAP?!

Hindi ba dapat ngayon pa lang ay inaaresto na ng magagaling nating opisyal ng CAAP kung paano sosolusyonan ang lintik na air traffic ba ‘yan?!

Huwag na nating hintayin na magkaroon pa ng napakalaking aberya sa ere bago kumilos ang CAAP.

Paging Philippine Air Force chief retired Lt. Gen William Hotchkiss III!

Huwag naman pong puro press release, UMAKSIYON naman kayo!

MTPB doblado ang ‘kotong’ mula sa Reyna ng illegal terminals sa Lawton

SIR JERRY, muntik magdiwang ang mga kagawad ng MTPB nang ideklara ng reyna ng mga illegal terminal sa Lawton na dodoblehin nila ang tara para raw sa bossing nila sa city hall. Kaya pala parang babaha ng pagkain at alak sa MTPB, kasi doble tara na sila sa reyna ng illegal terminal. Maraming salamat po at pakitago ang number. (+63922309 – – – -)

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0926.899.91.27 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)

Check Also

Aksyon Agad Almar Danguilan

Mayor Joy B., muling pinarangalan ng CSC; 4,025 QCitizens, nilektyuran ng QCPD vs terorista, etc.

AKSYON AGADni Almar Danguilan SANA ALL. Ang alin? Sana all ng alkalde sa National Capital …

Firing Line Robert Roque

Alerto sa backlash

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. PARA sa isang analyst sa United States, isa ito …

Firing Line Robert Roque

Mga senador na nasa tama, nagkamali

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. MARAHIL humupa na sa ngayon ang galit ng publiko …

Aksyon Agad Almar Danguilan

“Kian Bill” para sa mga inosente, isabatas na!

AKSYON AGADni Almar Danguilan IYAN ang sigaw o panawagan ng grupong Akbayan Partylist sa Kongreso. …

PADAYON logo ni Teddy Brul

Upakan sa Pasig umiinit

PADAYONni Teddy Brul HINAMON ni dating Pasig City councilor, Atty. Ian Sia si Mayor Vico …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *