Saturday , November 23 2024

Ex-PMG Josie Dela Cruz kinasuhan ng Ombudsman sa unremitted GSIS loan amortizations

NAGPALAKPAKAN at naghiyawan ang mga empleyado sa Philippine Postal Corporation (Philpost) nang opisyal na sampahan ng kaso ng Ombudsman ang kanilang dating postmaster general dahil sa hindi pagre-remit ng loan amortization ng isang empleyado sa Zamboanga City.

Kasama ni Dela Cruz sa asuntong ‘yan ang dalawang iba pa na sina Bernardito Gonzales at Arlene Bendanillo nng PPC Zamboanga.

Ang kaso ay 15 counts ng paglabag sa Republic Act 8291 o GSIS Act of 1197.

‘Yan ay base sa reklamo ni Santos Pamatong Jr., na aniya’y hindi ini-remit ang kanyang bayad sa loan amortization na kinakaltas sa kanya mula Oktubre 2011 hanggang Disyembre 2012.

Mantakin ninyo, kinakaltasan ang suweldo ng empleyado pero hindi pala nakararating sa GSIS?!

Buong akala ng empleyado, bayad na ang utang niya sa GSIS pero nang i-check niya, ni hindi nabawasan ang kanyang utang?!

Sonabagan!

Hindi ba sobrang pagsasamantala na ‘yan sa empleyadong kinaltasan nila ang suweldo pero hindi ibinayad sa GSIS?!

Ikinatuwiran ni Dela Cruz na wala umanong pondo ang PPC para ibayad sa GSIS loan amortization ng empleyado.

‘E bakit pala nila kinaltasan ang sahod no’ng tao?!

Sa Section 15 ng GSIS Act of 1997, ang isang opisyal na mapatunayang lumabag dito ay makukulong ng isang taon at pagmumultahin base sa iuutos ng korte.

Para namang napakababang hatol niyan sa ‘paglulustay’ ng perang kinaltas sa suweldo ng isang empleyado.

Wala na bang mas mabigat pa riyan?!

Anyway, sa kasalukuyan ay nagdiriwang ang mga empleyado ng Philpost dahil kahit paano ay may natatanaw na silang katarungan sa ilang panahon na sila ay nakaranas ng panggigipit at pagsasamantala dahil umano sa makasariling pagdedesisyon ng dating postmaster general.

Let’s just wait until justice is served.

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0926.899.91.27 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)

Check Also

Sir Jerry Yap JSY Ed de Leon

Sa unang Pasko na wala siya
JSY HINDI NAKALIMOT SA MGA EMPLEYADO

ni ED de LEON AYOKONG isipin na wala na si Boss Jerry. Ang laging nasa …

Sir Jerry Yap JSY Nino Aclan

JSY, the best boss that i’ve ever met

ni Niño Aclan SIR JSY is the “Best Boss” that I’ve ever meet. Ganito ko …

Sir Jerry Yap JSY Bong Son

Totoong tao, tunay na kaibigan, best boss ever

ni BONG SON TUNAY na ako’y napahanga sa ipinakitang pagmamahal ng publisher ng HATAW Diyaryo …

Sir Jerry Yap JSY Ms M

Forever grateful kay JSY

ni Maricris Valdez-Nicasio COOL boss. Ganito ko sabihin at ilarawan ang aming publisher na si …

Sir Jerry Yap JSY Rose Novenario

Matatag, maaasahan, may paninindigan
PINAKAMATAAS NA PAGSALUDO SA IYO, SIR JERRY!

ni ROSE NOVENARIO KUNG ilalarawan ko ang pagkatao ni Jerry Sia Yap bilang employer at …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *