Thursday , December 26 2024

Marion, puwedeng bansagan bilang Theme Song Princess!

00 Alam mo na NonieWALANG dudang talented talaga si Marion bilang singer/composer. Ngayong buong buwan ng February, tinig ni Marion ang naririnig sa station ID ng ABS CBN na tinawag nilang Febibigwins. Ang catchy song niyang Free Fall Into Love na isa sa carrier single ng self- titled album niya mula Star Music.

Bukod pa rito, ang naturang kanta ni Marion ay kabilang din sa theme song ng pelikulang Always Be My Maybe na tinatampukan nina Gerald Anderson at Arci Muñoz. Nauna rito, siya rin ang kumanta ng themesong ng Ex With Benefits starring Derek Ramsay at Coleen Garcia.

Nang naka-chat ko si Marion recently, inusisa ko siya kung ano ang mafi-feel niya sakaling bansagan siya bilang Themesong Princess?

Sagot niya sa amin, “Hahaha! Nakakatuwa naman.”

Ikaw ba ang nag-compse ng Free Fall into Love? Ano’ng naisip mo nang sinusulat mo ito?

“Opo, tapos ay Tinagalog po ni Sir Jonathan.

“Nasulat ko ito para sa mga fan girl na naghahanap pa rin ng sarili nilang prince charming, hahaha!”

022616 Marion Aunor
Ikaw ba, nahanap mo na ang prince charming mo? “Hindi pa po, hahaha! Pero ‘di din naman po ako nagmamadali. Kasi, enjoy naman po ako sa music career ko.”

Nabanggit din ni Marion na masaya siya sa pagtanggap ng mga tao sa kanta niyang Free Fall Into Love. “Yes, very happy ako na maraming na-LSS and maraming nakarelate

Satisfied ka ba sa nangyayari sa career mo? “Hmmm, so far happy naman ako, although I wish na magkaron ng more exposure and more radio play para lalong makilala yung music ko and para ma-recognize ng mga tao na ako po yung kumakanta and nagsulat ng song na yun.”

Samantala, mapaanood sina Marion at Michael Pangilinan sa Zirkoh-Morato sa March 6 sa kanilang concert na M&M #pumapagibig. Guest dito ang talented crooner na si Gerald Santos, Star Magic member Ahron Villena, actor-singer Zyrus Imperial, at ang Eat Bulaga’s Spogify winner na si Mavi Lozano. Kasama rin dito sina Pauline Cueto, Alyssa Angeles, Erika Mae Angeles, Sarah Ortega, Kikay & Mikay, Josh Yape, Maria Elena Tan, Glaiza Micua, Azrah Gaffoor, at Alex Datu. Ito’y mula sa direksiyon ni Throy Catan.

Ito ay para sa benefit ng Bahay Aruga na tumutulong sa pediatric cancer patients at matatagpuan sa Ermita, Manila.

Kabilang sa sponsors ang Golden Legacy Jobmovers Corporation, Above Aesthetics, Kikay & Mikay, Fernando’s Bakery, Mega C, I Love My Sisters (Megasoft), Africa’s Catering at Atty. Ferdie Topacio.

ALAM MO NA! – Nonie V. Nicasio

About Nonie Nicasio

Check Also

Rufa Mae Quinto Trevor Magallanes

Rufa Mae go-go-go pa rin kahit maraming problema

MA at PAni Rommel Placente MARAMI ang humanga sa pagiging positibo ni Rufa Mae Quinto …

Enrico Roque

Paghuli kay Mayor Roque nakabibigla

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SOBRANG shock din ang mga nakakikilala kay Pandi, Bulacan Mayor Enrico …

Bobby Garcia

Theater director Bobby Garcia pumanaw sa edad 55

PUSH NA’YANni Ambet Nabus PUMANAW na rin at 55 years old ang kilalang stage actor-producer-director …

Atong Ang Sunshine Cruz.

Atong Ang inamin relasyon kay Sunshine

INAMIN ng negosyanteng si Atong Ang na may relasyon sila ng aktres na si Sunshine …

Bong Revilla Jr Boss Toyo Beauty Gonzalez Walang Matigas Na Pulis sa Matinik Na Misis

Sen Bong walang nakikitang mali sa mga lalaking takot sa kanilang misis 

MATABILni John Fontanilla MATALINO, mapagmahal, may puso. Ito ang paglalarawan ni Senador Bong Revilla sa …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *