Saturday , November 23 2024

Gom-bur-za (Huling bahagi)

Inspirasyon ng himagsikan

PERO bakit nga ba napag-initan ng mga prayle sina Gomburza? Nag-umpisa ang lahat nang manindigan si Padre Pedro Pelaez, administrador ng Arkodayosis ng Maynila, para maging sekular ang simbahan sa Pilipinas. Gusto ni Padre Pelaez na ipasa ng mga Kastila sa mga katutubong pari ang pagpapatakbo ng mga diocese, parokya at simbahan, isang bagay na mahigpit na tinutulan at kinamuhian ng mga prayle.

Sayang at nakamatayan ni Padre Pelaez ang kanyang adhikain noong ika-3 ng Hunyo 1863 matapos siyang madaganan ng Katedral ng Maynila kasunod ang isang malakas na lindol. Maituturing na unang pinakamalaking iskismong pang-relihiyon (religious schism) sa ating bayan ang ginawa ni Padre Pelaez.

Bilang istudyante ni Padre Pelaez ay ipinagpatuloy naman ni Padre Burgos ang kilusan para sa sekularisasyon hanggang sa kanyang pagreretiro. Gayun man hindi nakalimutan ng mga prayle si Pelaez at Burgos. Arogante raw ang dalawa kaya nang magkaroon sila ng pagkakataon matapos ang tinatawag na Cavite mutiny noong 1872 ay agad nilang idiniin si Burgos at sina Padre Gomez at Zamora. Hindi nag-atubili ang mga prayle kahit matanda na si Burgos ng mga panahong iyon.

Ipinagpatuloy naman ni Padre Gregorio Aglipay ang kilusang sekularisasyon matapos mawala sina Gomburza. Nauwi ang kanilang pagkilos sa ikalawang malaking iskismong pang-relihiyon sa Pilipinas sa pagtatayo ng Iglesia Filipina Independiente (IFI) noong 1902 habang lumalagablab pa ang digmaang Filipino-Amerikano. Ang IFI, na kilala rin bilang “Simbahan ng mga Dukha,” ay pinamunuan ni Aglipay bilang unang obispo nito.

Sina Padre Pelaez, Gomburza ang mga panganay samantalang si Rizal, Bonifacio at Aglipay ang mga bunso sa ating kasaysayan. Ang kadakilaan ni Pelaez ay nagningning sa kamatayan nina Gomburza. Ang kabayanihan naman nina Gomburza ang naging tanglaw ng Katipunan sa pamumuno ni Bonifacio sa ginawa nitong panghihimagsik, samantalang naging inspirasyon naman ito para kina Rizal at Aglipay.

Kawing-kawing ang kanilang kadakilaan kaya’t kataka-taka kung bakit si Padre Pelaez, Gomburza, Aglipay, at Bonifacio ay hindi binibigyang halaga tulad ng pagpapahalaga ngayon kay Rizal.

* * *

Libong kababayan natin maaring  magkakanser. Para sa karagdagang detalye ay pasyalan ninyo ang aking bagong website, www.beyonddeadlines.com

Ang website na ito ay maglalaman ng mga malalalim na talakayan kaugnay sa mga pangyayari sa ating bayan at iba pa na mahalagang impormasyon para sa pang-araw-araw nating buhay. Sana ay makaugalian din ninyo na bisitahin ang website na ito. Pakikalat ang balita tungkol sa www.beyonddeadlines.com Salamat po.

* * *

Kung ibig ninyo na maligo sa hot spring pumunta kayo sa Infinity Resort sa Indigo Bay Subd. Brgy. Bagong Kalsada, Calamba City, Laguna. Malapit lamang sa Kalakhang Maynila at mula sa resort na ito ay tanaw ninyo ang banal na bundok Makiling.

Magpadala ng mensahe sa https://www.facebook.com/privatehotspringresort? fref=ts para sa karagdagan na impormasyon o reserbasyon.

About Rev. Fr. Nelson Flores, MSCK, JD.

Check Also

Aksyon Agad Almar Danguilan

Mayor Joy B., muling pinarangalan ng CSC; 4,025 QCitizens, nilektyuran ng QCPD vs terorista, etc.

AKSYON AGADni Almar Danguilan SANA ALL. Ang alin? Sana all ng alkalde sa National Capital …

Firing Line Robert Roque

Alerto sa backlash

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. PARA sa isang analyst sa United States, isa ito …

Firing Line Robert Roque

Mga senador na nasa tama, nagkamali

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. MARAHIL humupa na sa ngayon ang galit ng publiko …

Aksyon Agad Almar Danguilan

“Kian Bill” para sa mga inosente, isabatas na!

AKSYON AGADni Almar Danguilan IYAN ang sigaw o panawagan ng grupong Akbayan Partylist sa Kongreso. …

PADAYON logo ni Teddy Brul

Upakan sa Pasig umiinit

PADAYONni Teddy Brul HINAMON ni dating Pasig City councilor, Atty. Ian Sia si Mayor Vico …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *