Friday , November 15 2024

3 sugatan sa saksak ng amok

MALUBHANG nasugatan ang company nurse, auditor at kitchen crew makaraan pagsasaksakin ng isang houseboy habang ang mga biktima ay naghihintay ng sasakyan sa Malabon City kahapon ng umaga.

Ginagamot sa Valenzuela Medical Center si Mercelie Malig-On, 29, company nurse, residente ng 59 Banana Road; Ronge Lyka Mariano, 19, auditor, habang inoobserbahan sa Manila Center University (MCU) Hospital si Rodel Haveria, 27, kitchen crew, ng 148 E. Pineapple Road, pawang ng Brgy. Potrero ng nasabing lungsod.

Samantala, agad naaresto ang suspek na si Julay Beliherdo, 18, residente ng 46 Dove St., Saint Francis, Bulacan, nakapiit na sa detention cell ng Malabon-PNP, nahaharap sa kaukulang kaso.

Batay  sa ulat  ni PO3 Rommel Habig, 7:17 a.m. nang maganap ang insidente sa McArthur Highway, corner Del monte at Rimas St., Brgy. Potrero.

Habang naghihintay ng sasakyan ang mga biktima sa nasabing lugar nang biglang sumulpot mula sa kanilang likuran ang suspek na armado ng patalim at walang sabi-sabing inundayan sila ng saksak sa likod.

Nasaksihan ng ilang nakatambay sa lugar ang insidente kaya agad pinagtulungan gulpihin ang suspek at naawat lamang nang dumating ang mga tauhan ng Police Community Precinct (PCP) 1.

Inaresto ang suspek at binitbit sa himpilan ng pulisya habang dinala ang mga biktima sa nasabing pagamutan.

Inaalam pa ng pulisya ang posibleng motibo ni Beliherdo sa pananaksak sa tatlong biktima.

About Rommel Sales

Check Also

Erwin Tulfo

Tulfo una sa bagong survey

NANGUNA si ACT-CIS party-list Rep. Erwin Tulfo sa pinakabagong senatorial preference survey na isinagawa ng …

Senate PCO

Seminar vs fake news hikayat ni Pimentel sa PCO para sa Senado

INIMBITAHAN ni Senate Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel III ang Presidential Communications Office (PCO) na …

Las Piñas Seal of Good Local Governance

Las Piñas City pinarangalan ng Seal of Good Local Governance 2024 ng DILG

SA KAUNA-UNAHANG PAGKAKATAON, pinarangalan ang Las Piñas City ng prestihiyosong Seal of Good Local Governance …

Siling Labuyo

Apela ni Kiko  
BANTAY SILING LABUYO, PRICE FREEZE SAKLAWIN

MAHIGPIT na implementasyon ng price freeze ang kailangan upang mapigil ang pagtaas ng presyo ng …

Black

Iwasan, mga kaalyado ni Duterte sa eleksiyon

ISANG grupo ng mapagmalasakit na Filipino ang umaapela sa mga botante na pumili ng kandidatong …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *