PATULOY sa paghataw ang career ni Gerald Santos. Ngayong year 2016 ay lalong magiging abala si Gerald dahil ito ang tenth year anniversary niya sa showbiz. Kaya naman talagang nakalatag ang maraming proyekto para sa kanya ngayon taon, kabilang na rito ang dalawang pelikula, bagong album, isang mega musical play, at isang malaking concert.
Sinabi ng talented na singer/actor ang sa-tisfaction na nadarama niya sa pagkakataong ibi-nigay sa kanya ng showbiz.
“Napakasarap sa pakiramdam na after 10 years ay narito pa rin ako sa industriya. Napakahirap pong mag-survive sa industriyang ito, hindi po biro ang sampung taon at very thankful na nadito pa rin ako.
“Napakarami ko na pong napagdaanan pero dahil malakas ang loob ko to survive, basta just keep on going, keep on pushing, huwag susuko sa mga pangarap… We must achieve what we want in life,” pahayag niya.
Sa ngayon ay tuloy pa rin ang matagumpay niyang musical play na Pedro Calungsod, The Musical. Pero ang susunod dito, ang musical play na King David na pamamahalaan ng manager ni-yang si Cocoy Romilo. Definitely raw ay mas malaki ito at plano nilang isama sina Christopher de Leon at Piolo Pascual na siyang gaganap na matured na David.
Natapos na rin ni Gerald ang Memory Channel with Epi Quizon, Bodjie Pascual, at Michelle Vito, plus ang docu-film para sa mga estudyante na produced ng National Historical Commission titled Emilio Jacinto, Utak Ng Katipunan. Nakatakda rin gawin ni Gerald ang Ang Lalaking Nangarap Maging Nora Aunor.
Kabilang din sa pinagkakaabalahan ni Gerald ang promo ng latest album niyang Kahit Anong Mangyari, na mabibili na sa mga record bar. Plus, dahil sa tagumpay ng Metamorphosis concert niya sa PICC last year na nanalo pa siya ng award sa Aliw, sa August 20 ay sa KIA Theater naman ang concert niya na pinamagatang Gerald Santos: Attention. Kabilang sa guest niya rito sina Morisette, Jonalyn Viray at si Ms. Regine Velas-quez na matagal na niyang dream makasama sa concert.
Special guest naman si Gerald sa M&M #pumapagibig concert nina Marion at Michael Pangilinan sa Zirkoh-Morato sa March 6. “Abangan na lang ang aking gagawin. Si Michael, brother ko ‘yan, good luck to him. Congrats to him at good luck na rin sa career niya dahil ang dami na rin siyang nagawa in the industry.
“Kay Marion, hindi ko pa siya nakakatrabaho pero I can see na grabe rin iyong artistry niya. So, keep it up and keep on doing more music. I would like to do a collaraboration with her. Sana nga rito sa concert, pero kailangan din ng mahabang paghahanda,” nakangiting saad pa ni Gerald.
Guest din sa M&M #pumapagibig sina Ahron Villena, Mavi Lozano, Zyrus Imperial, Pauline Cueto, Alyssa Angeles, Erika Mae Angeles, Sarah Ortega, Kikay & Mikay, Josh Yape, Maria Elena Tan, Glaiza Micua, Azrah Gaffoor, at Alex Datu. Ito’y mula sa direksiyon ni Throy Ca-tan.
ALAM MO NA! – Nonie V. Nicasio