BUBUSINA muna kami sa mga kapatid nating kabilang sa LGBTcommunity (na nasaktan kundi man nagalit sa naging pahayag ni Manny Pacquiao), a few members of which ay inanyayahan ni Pacman sa isang hapunan.
Naganap ang dinner makaraang mag-sorry si Pacman, na tinanggap naman ng grupong ito ng mga kabataang beki.
Pero sorry to say, hindi kinakatawan ng grupong ‘yon ang Ladlad, ang party list na nagsusulong sa pantay na mga karapatan ng mga bakla at tomboy sa bansa. Okey na sanang tinanggap ng mga ito ang paghingi ng sorry ni Manny, pero para magsuot ng kanyang campaign t-shirt ay ano ang agenda roon?
Si Manny ang obvious na may agenda sa likod ng hapunang ‘yon. It was his way para kunin ang suporta ng mga dumalo sa dinner na ‘yon. As if naman, after humingi siya ng sorry at makaraan ng dinner na ‘yon ay natuldukan na ang isyu.
Sa totoo lang, Manny won’t be able to see the end of this! At titiyakin ng mga nasaling niya na wala siyang botong maaasahan mula sa mga ito.
HOT, AW! – Ronnie Carrasco III