Wednesday , December 11 2024

RA 10366 ipatupad nang maayos at tama para sa Senior Citizens at PWDs — Colmenares

NANAWAGAN si Makabayan senatorial candidate Rep. Neri Colmenares, sa Commission on Elections (COMELEC) na ipatupad na ang Republic Act No. 10366 para lubusan nang guminhawa ang pagboto ng persons with disability (PWDs) at senior citizens.

Tayo man ay pabor sa panawagang ito ni Colmenares dahil halos isang milyong PWDs at limang milyong senior citizen ang matagal nang nahihirapan tuwing sila ay boboto.

Si Colmenares ang principal authors ng House Bill na naging RA No. 10366, at pinirmahan ni President Benigno Aquino III noong Pebrero 15, 2013.

Sa ilalim ng nasabing batas, inaatasan ang Comelec na maglagay o magtalaga ng isang lugar para sa mga botanteng PWDs at senior citizen nang sa gayon ay maging maginhawa ang kanilang pagboto.

Matagal na nating pinupuna ang sistemang ito sa polling precincts. Lalo na kung aakyat pa sa 2nd floor o minan nga ay 4th floor ang PWDs at senior citizen.

Aba, ‘yung hindi nga PWDs at senior citizen, nahihirapan kapag umaakyat sila pa kaya?!

Kung sa tingin nila ay makokompromiso ang kanilang kalusugan dahil sa ganyang sitwasyon, boboto pa kaya sila?!

Siyempre hindi na.

Sumasama tuloy ang loob ng marami sa PWDs at senior citizen dahil hindi nila naipa-practice ang kanilang  karapatang  bumoto at hindi nila naiboboto ang matutuwid na kandidato.

Kaya sa panawagan ni senatorial candidate Colmenares sa Comelec, suporatdo po namin ‘yan!

Aksiyon Comelec!

120 pulis ipinadala ng NCRPO sa MPD  (Pantakip sa mga nakalubog na lespu?)

NAGPADALA na raw kamakailan ng dagdag-puwersa ang PNP National Capital Region Command (NCRPO) upang ipantakip umano sa 100 daan mga pulis-lubog ng Manila Police District (MPD).

Ipapakalat ang isang daan at dalawampung (120) bagitong pulis sa bawat police station ng Manila Police District.

Nabatid na ang 3,000 mahigit na puwersa ng MPD ay hindi kayang ipatupad ang peace and order sa kalakhang Maynila.

 Kaya minabuti ng PNP-NCRPO director na magdagdag na ng puwersa sa MPD upang mapanatili ulit ang katahimikan sa Maynila at mabawasan ang tumataas na crime rate sa lungsod.

Pero umapela ang opisyal ng MPD na kumikita sa mga pulis-nakalubog na kung talagang seryoso sila na mawala ang nakalubog na pulis sa PNP-NCRPO ay manguna muna sila na palutangin ang mga pulis na nakalubog sa NCRPO-RPHAU.

What the fact!?

BI Ex-Comm. David Dayunyor nasa kampo ni Duterte na!

Sa nakaraang inaugural campaign ni presidential candidate Rodrigo Duterte na ginawa sa Tondo, laking gulat natin nang makita na kasamang nangangampanya si Immigration ex-commissioner Ric David Dayunyor a.k.a Mr. Swabe.

Mukhang tuluyan na ngang bumitaw sa kasalukuyang administrasyon si David at buong tapang ang apog ‘este’ ang loob na lumutang upang sumuporta kay Digong!

Nakakalungkot na matapos makinabang sa PNoy administration, tumalon sa kabilang bakod si David.

Hindi kaya muling nangangarap na maging commissioner ng immigration itong si Mr. Swabe?

Sabagay sino ba naman ang hindi maeengganyong bumalik sa ahensiyang gaya ng immigration na bukod sa prestihiyoso ay napakadali pa ng raket basta kakapalan lang raw ng konti ang mukha!?

Hehehe!!!

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0926.899.91.27 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)

Check Also

Aksyon Agad Almar Danguilan

Victory Liner Inc., goes eco-friendly

AKSYON AGADni Almar Danguilan TAMA ang inyong nabalitaan, ang Victory Liner Inc. (VLI), ang top …

Firing Line Robert Roque

Pagod na sa daluyong — kahit pa nasa tasa

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. MAKALIPAS ang 10 araw sa detension, pinalaya na nitong …

Dragon Lady Amor Virata

Bayaw vs hipag for P’que city mayor

Isumbong mokay DRAGON LADYni Amor Virata MAGBABALIK si formermayor and congressman Edwin L. Olivarez sa …

YANIG ni Bong Ramos

Abolished na police department/s ipinangongolekta pa rin

YANIGni Bong Ramos DALAWANG departamento ng pulisya na matagal na panahon nang abolished ang ipinangongolekta …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Mayor Joy B., muling pinarangalan ng CSC; 4,025 QCitizens, nilektyuran ng QCPD vs terorista, etc.

AKSYON AGADni Almar Danguilan SANA ALL. Ang alin? Sana all ng alkalde sa National Capital …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *