Saturday , November 23 2024

Ping Lacson isusulong ang bitay laban sa drug lords (Pagbalik sa Senado)

NGAYONG nagbabalik sa Senado si Senator Panfilo “Ping” Lacson, maigting ang kanyang adbokasiya na isulong ang panukalang batas para ibalik ang parusang kamatayan laban sa mga drug lord — dayuhan man ‘yan o lokal.

Basta’t nahulihan ng kahi’t isang kilong shabu, dapat bitayin agad!

‘Yan dapat ang isulong ni Senator Ping.

Isa rin po sa mga adbokasiya ng inyong lingkod ang pagtatayo ng isang komunidad na payapa at itinatakwil o sinusupil ang ilegal na droga.

Pinakamalupit na kaaway po ng isang lipunan ang ilegal na droga. Walang sinisino ang demonyong salot na droga. Bata o matanda, mayaman o mahirap, edukado, propesyonal o walang pinag-aralan, may trabaho o wala, lahat sila ay kayang sirain ng droga.

Kaya nga bilib tayo sa mga bansang nagpapatupad ng bitay laban sa nagtutulak ng droga.

Naniniwala ang inyong lingkod na panahon na para sundan natin ang batas ng ibang bansa nang sa gayon ay mabawasan kung hindi man tuluyang maigupo ang mga ilegalistang drug lord.

Nakita n’yo naman dito sa atin, wala ngang bitay dahil tayo raw ay isang bansang marami ang Kristiyano at Katoliko, kaya ang mga nahuhuling drug lord ang pinakamataas na sentensiya ay habambuhay na kulong.

Pero pagdating doon sa kulungan lalo na sa Bilibid, aba nakapagbubuhay-hari pa ang mga demonyo!

Higit sa lahat tuloy-tuloy ang kanilang operasyon at raket sa pagtutulak ng droga.

Buti na lang at seryoso si Bureau of Correction (BuCor) Director Ricardo Ranier Cruz III sa kanyang aksiyon na suyurin ang buong BiIibid para linisin.

Kaya kung magtatagumpay ulit si Senator Ping, pag-upong pag-upo niya sa Hulyo para sa 17th Congress, tiyak uumpisahan na niyang isulong ang ‘BITAY’ laban sa pagtutulak ng ilegal na droga.

Sulong, Senator Ping!

BIR kapos nang bilyones sa collection target

MUKHANG unti-unting natatauhan si Internal Revenue Commissioner Kim Henares at nararamdaman na ang panggigipit ng Department of Finance (DoF) sa pagpapataw ng mataas na target sa kanilang koleksiyon.

Inamin mismo ni Henares na mukhang wala na sa realidad ang kanilang target dahil buwan-buwan ay kapos sila at hindi ito nahi-hit.

Kahit nagkaroon na sila ng kampanya at bagong selyo para mahamig ang ‘sin tax’ kapos pa rin.

Kung hindi tayo nagkakamali aabot sa P1.542 bilyones ang kakulangan sa 2015 tax collection ng BIR. Base ito sa itinakda nilang target na  P1.674 trilyon.

Aba napakalaking shortfall niyan?!

By the way, bakit kaya walang pumupuna, pumapansin o bumabatikos sa BIR kapag kapos ang koleksiyon nila?!

Pero kapag Bureau of Customs ang hindi nakaabot ng kanilang target ‘e napakaingay.

Ang daming rumerepeke at dinidikdik ang Customs na para bang nalugi sila sa negosyo?!

Subukan kaya ni Finance Secretary Cesar Purisima na magtalaga rin ng retired generals sa BIR? Tingnan nga natin kung ma-hit ang target?!

Tayo naman ay nagmumungkahi lang po.

Sorry but i don’t need your explanation Mr. Lesaca!

Matapos natin kaldagin sa ating kolum ang isang Bigtime Bisaklat ‘este’ Bijem Lesaca, hindi natin ini-expect na may pagka-celebrity pala si mokong?!

Bakit ‘kan’yo!?

Hindi natin inakala na marami palang tatawag sa inyong lingkod at tatangkaing arborin ang issue tungkol sa utility con hawi boy sa Bureau of Immigration NAIA!

Ganito ba talaga kalaki ang pakinabang ng mga mahihilig dumiskarte na Immigration Officer kay Bwiset ‘este’ Bijem Lesaca dahil bakit nga naman nila ipakikiusap na huwag tirahin kung wala naman silang napapala sa kanya?

Gusto pa nga raw humingi ng audience sa atin just to explain everything ‘kuno’ pero sorry na lang at agad tumanggi ang inyong lingkod!

Ang sabi natin, bakit hindi siya kay Immigration Comm. Ronaldo Geron pumunta at doon magpaliwanag kung ano ba talaga ang official function niya sa Bureau!

Ano ba ang ginagawa niya sa Immigration gayong hindi naman siya empleyado ng bureau!?

Bakit ko rin siya haharapin at pakikinggan gayong alam ko naman na siya ay hindi totoong empleyado ng Bureau!

Isang dakilang hao shiao sa madaling salita?!

Ang balita pa natin, isang alias agent “Charlie Bote” raw ang handler niya ngayon diyan sa BI-NAIA kaya pinilit makabalik sa airport si Bigtime Lesaca kahit noon ay ipina-ban na roon.

Comm. Geron, baka po type ninyong paimbestigahan ang illegal activities sa BI-NAIA nitong si hao shiao Bijem Lesaca at ang ipinagmamalaki niyang handler?!

Desmayado sa oil price back

Bumaba na ang oil price for so many months. Ang sagot ng spokesperson ng DOE, they don’t know how to compute re: pricing of gas. P.I. sila! Mag-resign na sila. Mga tuta ng oil company ang gobyerno. LPG drop more thean 50 percent, pero ang gas nasa less than 35% lang. Hay gago talaga. More than 70% ang baba ng oil price. What do you expect fr crook mentality?! Mr. Chang. +63917886 – – – –

Pag-iisipan ko pang mabuti

SIR JERRY, gusto namin malaman mga miyembro ng NPC kung tatakbo kayo ulit sa May elections? Full support po kami sa inyo. Mas gus2 namin ang handling ninyo. +63918409 – – – –

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0926.899.91.27 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)

Check Also

Aksyon Agad Almar Danguilan

Mayor Joy B., muling pinarangalan ng CSC; 4,025 QCitizens, nilektyuran ng QCPD vs terorista, etc.

AKSYON AGADni Almar Danguilan SANA ALL. Ang alin? Sana all ng alkalde sa National Capital …

Firing Line Robert Roque

Alerto sa backlash

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. PARA sa isang analyst sa United States, isa ito …

Firing Line Robert Roque

Mga senador na nasa tama, nagkamali

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. MARAHIL humupa na sa ngayon ang galit ng publiko …

Aksyon Agad Almar Danguilan

“Kian Bill” para sa mga inosente, isabatas na!

AKSYON AGADni Almar Danguilan IYAN ang sigaw o panawagan ng grupong Akbayan Partylist sa Kongreso. …

PADAYON logo ni Teddy Brul

Upakan sa Pasig umiinit

PADAYONni Teddy Brul HINAMON ni dating Pasig City councilor, Atty. Ian Sia si Mayor Vico …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *