Saturday , December 6 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Matteo Guidicelli, nag-enjoy sa action film na Tupang Ligaw

NAG-ENJOY si Matteo Gudicelli sa indie film niyang Tupang Ligaw ng BG Productions International. Sinabi ng Kapamilya actor na kakaiba naman ang mapapanood sa kanya ngayon ng fans.

“Kakaiba rin, na action naman itong makikita sa akin dito sa Tupang Ligaw.

It’s fun, I really train for this. We had a long training for this, mga six months.

“Nagpapasalamat ako sa BG Productions for giving me the opportunity to do an action film. Kaya sana ay ma-appreciate ng lahat itong movie namin,” saad ni Matteo.

Ang naturang pelikula ay madugo at may mga eksenang brutal na bagay na bagay sa mga barako.

Ano sa tingin mo ang magiging reaction ng fans mo dahil kakaiba ito sa mga ginagawa mo?

“Kinakabahan ako, sana ay magustuhan nila. But it was fun doing the film, it was fun training for the film.  You know, I just had a good time in the film.

“Mahilig talaga ako sa action, mahilig talaga ako sa martial arts. Kaya natutuwa ako sa opportunity na makagawa ng ganitong klase ng film.”

Umaasa rin siya na magtutuloy-tuloy ang mga oportunidad na tulad nito, na makagawa ng iba pang action movie.

“Sana po, sana ay igagawa pa ako ng BG Productions. Pero right now, busy ako sa Dolce Amore, sa bagong teleserye namin sa ABS CBN.

“Aside sa Dolce Amore, tapos iyong album ko and magsisimula na rin kami sa Single/Single sa Cinema One.”

Yayayain mo ba si Sarah Geronimo na manood nitong Tupang Ligaw?

“Opo, sana, sana kapag may time kaming dalawa. Kasi, galing lang ako sa taping, pero sa ngayon, tayo muna po ang manonood nito.”

Bukod kay Matteo, ang Tupang Ligaw ay tinatampukan din nina Paolo Contis, Ara Mina, Rico Barrera, Suzette Ranillo, Johnny Regana, at iba pa. Ito’y mula sa pamamahala ni Direk Rod Santiago.

ALAM MO NA! – Nonie V. Nicasio

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Nonie Nicasio

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …