Monday , January 12 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Sports5 mas dagsa ang events ngayong 2016 — Hizon

SINIGURADO ng pinuno ng Sports5 na si Patricia Bermudez-Hizon na magiging mas maganda ang mga sports coverages ng TV5 at Aksyon TV Channel 41 ngayong taong ito.

Sa panayam ng Radyo Singko noong Linggo, sinabi ni Gng. Hizon na mapapanood ang Rio Olympics ngayong Agosto sa dalawang nabanggit na istasyon.

“We also have Olympic coverages on Hyper so we’re calling on all sports fans to subscribe to Cignal where Hyper is shown,” wika ng asawa ng dating PBA player na si Vince Hizon. “We will also put up two community channels on Hyper which will show the Olympics 24/7.”

Bukod sa Rio Olympics, napapanood din sa TV5 ang mga laro ng PBA at Ultimate Fighting Championships (UFC) na dating napanood sa ABS-CBN.

Idinagdag ni Gng. Hizon na mapapanood din sa TV5 ang mga laro ng Philippine Superliga Invitational Cup simula sa Huwebes kung saan magpapakitang-gilas ang mga manlalaro ng volleyball tulad nina Rachel Anne Daquis, Cha Cruz, Stephanie Mercado at marami pang iba.

( James Ty III )

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About James Ty III

Check Also

Boracay Platinum International Open Water Swim Race

Boracay Platinum International Open Water Swim Race, nakatakdang idaos sa Marso 2026

ISLAND NG BORACAY, Malay, Aklan — Bilang bahagi ng pagdiriwang ng ika-70 anibersaryo ng Lalawigan …

PFF FIFA Futsal

PFF pinuri mga ‘unsung heroes’ sa likod ng tagumpay ng Futsal Women’s World Cup

ANG pagho-host ng Pilipinas sa kauna-unahang FIFA Futsal Women’s World Cup ay nagpakita hindi lamang …

Pato Gregorio PSC PHILTA

Paris Olympic silver medalist Krevic, world No. 45 Maria nanguna sa maagang listahan ng mga kalahok sa PH Open

PANGUNGUNAHAN ng dating world No. 2 at Paris Olympic silver medalist na si Donna Krevic …

Bambol Tolentino

Manila unang punong-abala sa 2028
Tolentino pangungunahan paglikha ng SEA Plus Youth Games

PANGUNGUNAHAN ni Philippine Olympic Committee (POC) President, Abraham “Bambol” Tolentino ang pagbuo sa Timog-Silangang Asya …

PH SEA Games Medals

Pinatutunayan ng Pilipinas ang Lakas sa Olympic Sports sa Kampanya sa SEA Games

MAAARING nagtapos lamang sa ikaanim na puwesto ang Pilipinas sa kabuuang ranggo ng ika-33 Southeast …