Friday , December 19 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Pringle – kaya naming makabawi sa talo

NATUWA ang 2015 PBA Rookie of the Year na si Stanley Pringle sa ipinakitang pagbawi ng kanyang koponang Globalport nang tinalo nito ang Barangay Ginebra San Miguel, 89-85, sa Oppo PBA Commissioner’s Cup noong Araw ng mga Puso sa Smart Araneta Coliseum.

Sinayang ng Batang Pier ang 15 puntos nilang kalamangan sa ikalawang quarter at sumandal sila sa dalawang tres ni Terrence Romeo at dalawang free throw ni Pringle sa mga huling segundo upang makuha ang una nilang panalo sa torneo pagkatapos na matalo sila sa Mahindra noong Biyernes.

Ito ang unang laro ng dalawang koponan pagkatapos ng kontrobersiyal nilang laro sa quarterfinals ng Philippine Cup noong Disyembre kung saan sinayang ni Pringle ang mga huling segundo ng overtime period at hindi tumawag ng reperi ng backing violation kaya nanalo ang Globalport at umabante sa semis.

“This is a new conference so we’re not thinking about what happened last conference,” wika ni Pringle na nagtala ng 14 puntos sa laro. “We’re just focusing on jelling with our import (Brian Williams). It’s good that we got the win but we’ve got to continue playing as a team. We’re looking forward to a strong conference and we were kinda sore in our previous game.”

Susunod na makakaharap ng Globalport ang Tropang TNT sa Biyernes sa Mall of Asia Arena.

“We’ve got to be ready for whoever TNT will field (bagong import kapalit ni Ivan Johnson). TNT is a great team and they always play hard,” ani Pringle.

( James Ty III )

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About James Ty III

Check Also

SM MoA Adidas FIFA

SM Mall of Asia Binuksan ang Kauna-unahang adidas Football Park sa Southeast Asia

PUMASOK ang SM Supermalls sa bagong yugto ng world-class sports destinations sa paglulunsad ng kauna-unahang …

PSC BCDA New Clark City

PSC at BCDA, pinagtibay ang makasaysayang pakikipagtulungan para sa training hub ng New Clark City

NEW CLARK CITY, TARLAC — Pormal na pinagtibay ng Philippine Sports Commission (PSC) noong Martes …

Joanie Delgaco Kristine Paraon SEAG

Olympian rower Delgaco, Paraon nagbigay ng ika-26 na ginto ng PH

RAYONG, Thailand – Nilampasan nina rowers Joanie Delgaco at Kristine Paraon ang sarili nilang inaasahan …

Alex Eala

Alex Eala tiyak na ang bronze medal sa dominadong panalo laban sa Malaysian

NONTHABURI – Tiniyak ni Alex Eala na may isa pa siyang medalya sa 33rd Southeast …

Elreen Ann Ando SEAG

Ando nagbigay ng unang gintong medalya ng Pilipinas sa weightlifting

CHONBURI – Siniguro ni Elreen Ando ang unang gintong medalya ng Pilipinas sa weightlifting sa …