Hello Señor H,
Nakuha ko po # mu sa social media Ano po ba ibig sabihn ng nanaginip ng mga gamit na magkapares. May nagbibigay sakn ng mga gamit na magkakapares-pares. Ano p0 ba ibig – sabihin ng panaginip ko? Em-em po i2 (09058701835)
To Em-em,
Kapag magkakapareho ang iyong nakita sa panaginip mo, ito ay maaaring nagsasaad ng ambivalence, dualities o opposites. Ito rin ay maaaring nagre-represent ng seguridad sa business, faithfulness, at contentment sa buhay. Ito ay maaari ring nagpapahayag na ikaw ay either maayos o may salungat sa pagitan ng mga idea at desisyon. Posible rin na ito ay may kaugnayan sa pagsibol ng bagong idea o proyekto. Ito ay nagre-represent din ng new attitude, fresh beginnings o ng major event. Kung loveless ka, maaari rin naman na naghahanap ka ng kapareha o partner sa buhay. Ayaw mo itong isipin o tanggapin sa sarili mo dahil sa personal na rason, kaya ito ay lumabas sa iyong subconscious.
Kung sa bungang tulog mo naman ay twins o kambal ang iyong makikita, maaaring ito ay nagsasaad ng paghahangad na magkaroon ng anak na kambal. O kaya naman, ang pagnanais mo na magkaroon ng kambal sa inyong pamilya.
Señor H.