MALAKAS talagang makaimpluwensiya ang pelikula at telebisyon at malakas ang hatak ng mga artista dahil ginagaya sila ng mga ordinaryong kabataan.
Kagaya na lang ni Liza Soberano na ginampanan ang isang probinsiyanang nakasakay sa motorsiklo sa pelikulang Everyday I Love You na ipinalabas late last year .
Scooter Girl of Silay (Negros Occidental) ang papel ni Liza pero hindi lang sa Occidental kundi pati sa Negros Oriental ay maraming naimpluwensiyahan si Liza.
Mga kabataang babae na noong araw ay kuntento na sa pagba-backride sa motor ng kanilang ate or kuya pero ngayon, sila na ang nagmamaneho ng sariling motor (‘yung katulad ng motor na gamit ni Liza sa pelikula huh).
Magandang halimbawa na lang nito ay ang pamangkin kong si Kathleen Paalaman na noong araw bago niya mapanood ang pelikula ay kuntento na sa hatid-sundo ng motor ng kanyang kuyang si Renjie pero after mapanood ang Everyday I Love You nagpabili na ng motor at nagda-drive na.
Samantala, gusto kong i-congratulate si Liza sa paghirang sa kanya bilang ikaanim na pinakamagandang babae sa buong mundo.
Bongga!
Grace, pinanday ni FPJ sa martial arts
KAHIT na babae si Senador Grace Poe, taglay n’ya ang tibay ng damdamin at katatagan ng loob.
Bukod dito, mayroon din siyang disiplina sa sarili na isang magandang katangian para sa isang lider.
Hindi nakapagtataka kung matibay man ang dibdib ni Grace sa pagharap sa lahat ng uri ng pagsubok. Dahil talagang tinuruan ng kanyang amang si Fernando Poe, Jr. si Grace para maging matibay.
Alam ba ninyo kung ano ang ginawa ni FPJ? Pinaturuan niya si Grace ng Taekwondo, isang uri ng Korean martial arts.
Mahirap paniwalaan pero alam ba ninyo na si Grace ay isang black belter?
Noong bata pa si Grace ay very close siya sa kanyang amang si FPJ. Katunayan, si Grace ay itinuturing na isang papa’s girl hanggang sa siya ay naging isang ganap na dalaga.
“Importante sa tatay (FPJ) ko na kaya kong ipagtanggol ang aking sarili kahit ako ay babae. At ang lalong nakaganda ay pinag-aral niya ako ng Taekwondo na nagkaroon ako ng disiplina sa sarili,” ani Grace.
Katunayan disiplina sa sarili ang dapat taglayin ng kahit sinong tao.
“Natuto rin akong maging matibay at higit sa lahat naging matatag ako sa pagharap sa anumang uri ng problema,”pagpapatuloy ni Grace.
Ang pagiging matatag na minana ni Grace kay FPJ ay pinakinabangan niya ngayon sa pinakamalaking hamon sa buhay, ang pagtakbo niya bilang pangulo.
Kaya kung inaakala ng iba na isang mahinang babae si Grace ay nagkakamali sila, dahil ang tibay ng kalooban ay pinanday ni FPJ kay Grace para handa itong harapin ang lahat ng darating na hamon ng buhay.
Incidentally, number one na muli si Grace sa katatapos na Pulse Asia survey na isinagawa noong Enero 24-28 na nakakuha siya ng 30%.
MAKATAS – Timmy Basil