Monday , January 12 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Joem Bascon, walang limitasyon sa pagde-daring sa Siphayo

NANINIWALA si Joem Bascon na sa isang art film ay dapat na maging handa siya kung ano man ang hihingin ng direktor. Kaya naman aminado siyang kung ano ang irequire sa kanya ng direktor nilang si Direk Joel Lamnagan sa bago nilang indie film na pinamagatang Siphayo, handa raw niya itong gawin at hindi siya magdadalawang isip.

Gaano ba siya ka-daring o ka-sexy sa Siphayo?

“Hindi ko po masyadong alam, depende kasi kay Direk Joel Lamangan. Pero kung iko-compare po natin sa Lihis, siguro ay matatapatan natin iyong sa sexiness at sa pagiging daring dito sa Siphayo,” wika ni Joem.

Ano ang role mo rito?

“Ako po iyong anak ni Sir Alan Paule, magkapatid kami ni Luis Alandy. So, doon magre-revolve iyong istorya sa pagdating ni Nathalie Hart. Kumbaga, titignan namin kung paano ang values namin bilang pamilya. Dahil ba sa temtasyon ay masisira ba kami bilang isang pamilya?

“Ganoon po iyong story, doon po magre-revolve. Kumbaga, titignan namin na parang sino ang bibigay, kung sino ang mai-in-love?”

Aminado si Joem na kailangan niyang magpaganda ng katawan sa pelikulang ito ng BG Productions dahil sa mga maseselang eksenang dapatt niyang gawin.

“Yes, kailangan na sexy ang dating natin dito. Kasi for the past few years, nag-gain weight ako, e.

“For this one, we are really preparing for this. So it would be very-very enticing for everyone to watch it. Ito ay talagang very sexual and iyon nga, very daring. Na talagang mapapasaya natin iyong mga manonood.

“Pero hindi naman offensive, hindi siya bastusin. Kasi alam naman natin na kapag gumawa si Direk Joel, very artsy iyan, magaganda iyong mga shot. Kaya ako ay very happy na babalik ulit ako sa kanya for a film.

“Happy talaga ako na ngayong 2016 ay nagkaroon ako agad ng proyekto kay Direk Joel at specially kay Mrs. Baby Go (producer ng BG Productions International). Na after ng success ng movie naming Lihis, ikinonsider pa rin nila ako para sa movie na ito.”

Hanggang saan ba ang limitasyon niya sa love scene o sa paghuhubad sa pelikulang ito?

“Alam mo, eversince naman siguro na medyo tumatagal ako, hindi naman kasi ako bumabata… so, habang tumatagal ako sa industriya ay nare-realize ko-hindi naman sa kompiyansa- pero I’m very happy naman with myself. So, hindi ko nililimitahan lagi ang sarili ko when it comes to projects.

“Kung anuman ang hingin, hindi natin masasabi, e. Kung butt exposure lang ba iyan, kung frontal ba iyan… hindi natin alam kung love scene, kung pumping scene. Kumbaga, kung ano ang hingin kasi ng director na sa tingin ko ay kaya ko namang ibigay, wala akong limitasyon talaga.”

So, game kang magpasilip ng butt o anuman dito sa Siphayo?

“Yes, posible iyan!” Nakatawang saad niya. “Tignan natin, depende iyan. Kasi ako kung ano naman ang hihingin ng script, happy naman ako na ibigay o gawin yon,” nakangiting saad pa ni Joem.

Ang Siphayo ang launching movie ni Nathalie Hart na tinatayang sa pelikulang ito ay magmamarka nang husto.

Sina Joem, Luis at Alan ay gaganap na mag-aama sa pelikulang ito na pag-aagawan o mai-involve kay Nathalie.

ALAM MO NA! – Nonie V. Nicasio

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Nonie Nicasio

Check Also

Vice Ganda Airport

Vice Ganda inilahad totoong nangyari sa airport

MA at PAni Rommel Placente SA pamamagitan ng kanilang noontime show na It’s Showtime, nagbigay ng reaksiyon …

Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith Father

Anne at Jasmine nagdadalamhati sa pagpanaw ng ama

ni Allan Sancon BALOT ng matinding lungkot ang pamilya nina Anne at Jasmine Curtis-Smith matapos pumanaw ang ama nilang …

James Curtis-Smith Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith

Anne at Jasmine dinagsa ng pakikiramay mula sa mga kaibigan, katrabaho

PUSH NA’YANni Ambet Nabus MALUNGKOT ang pasok ng 2026 kay Anne Curtis dahil sa pagyao ng ama …

Bam Aquino Vico Sotto

Talent manager at online show host Noel Ferrer pinangalanan sina Bam, Vico bilang People of the Year 2025

HINIRANG ng talent manager at online show host na si Noel Ferrer sina Senador Bam Aquino at Pasig City …

Rave Victoria

Rave Victoria masaya sa suportang natanggap sa PBB Collab 2

RATED Rni Rommel Gonzales BINANSAGANG ”Optimistic Apo ng Tarlac” natapos na ang Pinoy Big Brother Celebrity …