Friday , November 22 2024

BI-Chiz sa 2016 sticker nagkalat sa EDSA! (May bago ba!?)

ISANG ‘mayamang’ karanasan ang kasabihan sa police beat na — laging bumabalik ang suspek sa pinangyarihan ng krimen.

Kaya naman hindi na tayo nagtataka nang marinig natin ang kumakalat na kuwento na mukhang mayroon na namang nilulutong ‘kataksilan’ ang kampo ni Chiz.

‘Yan ay kung totoong sa kanila nanggaling ang sticker na Bi-Chiz na kumakalat ngayon sa kahabaan ng EDSA.

Itinanggi ng United Nationalist Alliance (UNA) na may kinalaman sila sa nasabing sticker (Bi-Chiz) habang ang kampo naman nina Sen. Grace Poe ay sinabing ‘black propaganda’ lamang iyon.

Oh c’mon!?

Anong sabi naman ni Chiz?!

Deadma lang dahil noong una pa man ay sinasabi na niyang hindi niya iniwan si Mar Roxas noong 2010 elections dahil wala naman silang pinagsamahan.

Weee?!

‘E sino ba ang maniniwala ngayon kay Chiz?!

Markado at hindi na malilimutan ang NOY-BI 2010. Kasaysayan na ‘yan sa politika…

At gaya sa isang kriminal o isang krimen, ang Oplan Bi-Chiz ay tila inuulit na Oplan-Noy-Bi.

O sa madaling salita, nagbabalik ang suspek sa ‘crime scene’ para gumawa muli ng krimen.

“Ang VP ko ay may B!”

Ganyan katampalasang inihayag pa nga raw ni Chiz noong 2010 elections ang kanyang pagkiling kay VP Jejomar Binay.

Vice president pa ang kinakarera noon ni Binay, ‘e ‘di mas lalo na ngayong presidente ang nilulunggati niyang sungkitin!

Ngayon pa ba siya iiwan ni Chiz?!

At kung babalikan ang mga nakaraang pangyayari mula nang maghain ng kanyang kandidatura si Sen. Grace Poe, sa pagharap sa kanyang disqualification cases at sa iba pang krisis na nararanasan ng Senadora, nakikita ba ng madla ang tunay na pagmamalasakit ni Chiz?

Ewan lang natin kung gumagaan ang mga dalahin sa dibdib ng kampo ni Grace kapag patula-tulang nag-i-emote at nagsasalita si Chiz?!

Si Chiz ay maihahalintulad sa isang ‘notoryus na kriminal’ na hindi natatakot bumalik kung saan niya ginawa ang krimen para ito ay muli’t muling ulitin.

Anybody but Chiz!  

Untouchable diploma meal at fake factory sa Recto! (Kanino timbrado sa MPD?)

MARAMI ang nagtataka kung bakit hindi pa rin masawata ang ilang dekada nang pagawaan ng PEKENG DOKUMENTO sa Recto Maynila!

Binansagan na ngang RECTO UNIVERSITY ang lugar dahil kahit anong klaseng ID at papeles gaya ng diploma, titulo, government certificate, authentication at resibo ng mga signature bags ay kayang-kaya nilang gayahin at gawin.

Ang matindi pa riyan, base sa impormasyon sa atin maging ang paggawa ng mga PEKENG PERA lalo ang P1,000 bill ay naibebenta ng 200 kada isa?!

Ito raw ang malakas na negosyo ngayon diyan sa Recto Ave., lalo’t nalalapit ang eleksyon na posibleng magamit na pambayad sa mga bobotante ‘este botante!

Kahit ilang beses na itong sinalakay ng MPD, CIDG at NBI ay nakagugulat na laging business as usual pa rin ang operations nila.

Bukod kasi sa sinasabing TARA Y TANGGA na kinokolektong ng iba’t ibang unit ng PNP/MPD ay may isang dahilan daw kung bakit hindi nawawala ang Recto university.

‘Yan ay dahil daw sa mismong ang pinakamagaling na gumawa ng fake money sa lugar na ‘yan ay may PAMATO sa MPD!

Anak daw sa basla ng isang mataas na opisyal ng MPD ang isa sa magaling gumawa ng pekeng pera sa lugar.

At katuwang ang kanyang live-in pakner sa kanyang kailegalan!

Kilalang-kilala raw ng mga lubog na pulis sa MPD ang sinasabing ERPAT ng isa sa fake money distributor sa Recto at BFF cum protektado pa umano ng mga taga-

ALVAREZ PCP nang makalawit nila kamakailan.

MPD district director Gen. Rolly Nana, hindi pa ba nakakapa ng Intel operatives mo ‘yang gawaan ng pekeng pera sa Recto!?

Nganga na lang ba tayo?!

Ang tandem ni Sarao at Enciso sa BI-NAIA

Nanatiling ‘untouchable’ raw sa Bureau of Immigration (BI) sina deputy TCEU head I/O Elena Ensisiw ‘este’ Enciso.

Marami raw ang tila humanga kung anong klaseng alas ang hawak nitong si Madam Elena dahil parang hanging dumaan lang daw sa mga opisyal ang kanyang bulilyaso na muntik pang ikasibak ng ibang mataas na opisyal diyan sa BI!

Tila nagbunga raw ang halos isang drum na luga ‘este’ luha na umagos sa kanyang mata matapos ngumalngal nang katakot-takot, nang sabunin siya ng dating SOJ and now Supreme Court Associate Justice Ben Caguioa?!

Sabi nga ng iba, tamang-tama raw ang partnership nila ng kanyang Head TCEU na si Ric Sarao dahil kung may hawak na alas si Elena ay baka hindi lang alas kundi joker pa raw ang hawak nitong si Ric Sawsaw ‘este’ Sarao!?

May tsismis kasi na hindi rin matatawaran ang padrino nitong si Singao ‘este’ Sarao para makuha ang kanyang puwesto ngayon.

Kumustahin lang natin ‘yung isang insidente noon na may tatlong tsekwa galing China na dapat ay ie-exclude diyan sa NAIA T1 pero bigla na lang nag-disappearing act?

Tuluyan na kayang nahanap ni Mr. Sarao ang tatlong pasahero?

If my memory serves me right, si Ric Sarao daw ang Hingigration ‘este’ Immigration duty supervisor nang mag-ala-Houdini ang tatlong Chinese pax?

What the fact!?

Bagong MTPB Chief imported from San Juan?!

SIR Jerry, si Ret. S/Supt. FELICIANO ang bagong hepe ng MTPB. Hindi tunay na Manilenyo. Dayo ho. Galing San Juan ho ‘yan. Tuwang-tuwa ang nagpapakilalang katiwaldas/katiwala niyang si Boss Bagman Utots no-joke na baka po maging hepe na rin ng illegal terminal operations na namumutiktik sa Maynila sir lalo sa Lawton Ermita. +639183057 – – – –

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0915.804.76.30 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)

Check Also

Aksyon Agad Almar Danguilan

Mayor Joy B., muling pinarangalan ng CSC; 4,025 QCitizens, nilektyuran ng QCPD vs terorista, etc.

AKSYON AGADni Almar Danguilan SANA ALL. Ang alin? Sana all ng alkalde sa National Capital …

Firing Line Robert Roque

Alerto sa backlash

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. PARA sa isang analyst sa United States, isa ito …

Firing Line Robert Roque

Mga senador na nasa tama, nagkamali

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. MARAHIL humupa na sa ngayon ang galit ng publiko …

Aksyon Agad Almar Danguilan

“Kian Bill” para sa mga inosente, isabatas na!

AKSYON AGADni Almar Danguilan IYAN ang sigaw o panawagan ng grupong Akbayan Partylist sa Kongreso. …

PADAYON logo ni Teddy Brul

Upakan sa Pasig umiinit

PADAYONni Teddy Brul HINAMON ni dating Pasig City councilor, Atty. Ian Sia si Mayor Vico …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *