Comelec bulag ba sa malalaking pol ads sa provincial buses?
Jerry Yap
February 13, 2016
Opinion
AKALA natin ‘e iilan lang, pero kanina ay nakompirma ng inyong lingkod na sandamakmak na ang mga provincial buses na mayroong malalaking political sticker advertisement ng mga politikong tumatakbong Senador.
Unang-una na riyan ‘yung kandidatong si “alam ko po ‘yun.”
Lalo na ‘yung mga bus na nakagarahe sa illegal parking terminal ng isang matandang burikak.
Hindi ‘yata alam ng ibang kandidato na nagugulangan sila ni ‘Boy alam ko po ‘yun.’
Nagugulangan sila dahil siya ‘yung may malalaking political ads sa provincial buses na ‘yan at tipong nakalulusot lang kay Commission on Elections (C0melec) Chairman Andres Bautista.
Naman, naman!!!
Buenas na buenas ka naman diyan Boy alam ko po ‘yun!
E bakit nga ba hinahayaan lang ni Chairman Bautista ‘yang pol ads sa mga provincial buses?!
Hindi ba sabi ni Chairman Bautista, bawal na ang mga EPAL posters ‘e bakit ang mga nakabalandra sa mga bus ay hindi niya ipinababaklas!?
Lusot na lusot na, Chairman! Hindi mo ba alam?!
Aba ‘e baka ilampaso ka sa kaalaman ni ‘Boy alam ko po ‘yun’ kung ganyang parang wala kang nalalaman!
Chairman, ayaw ko namang maniwala na parang PCOS lang ang binabantayan at ipinamo-monitor mo?!
Paano naman ‘yung mga ‘walanghiya’ na mukhang talagang eksperto at mukhang marami ang pinaghihiraman ng kapal ng mukha kaya para silang mga manhid sa walang sawa at intensiyonal na paglabag sa rulings na inilalatag ng Comelec?!
Chairman Bautista, puwede bang sampolan mo ‘yang makakapal ang mukha na hindi na nagbabaklas ng mga epal tarpaulin nila ‘e kabit nang kabit at paskil nang paskil pa sa mga bawal na lugar?!
Hindi na nakapagtataka kung bakit marami sa kanila ang walang kakurap-kurap kung mambulsa ng pondo ng bayan…
‘Yung simpleng ruling lang na mayroong tamang lugar para sa kanilang tarpaulin at iba pang election paraphernalia ‘e hindi nila sinusunod, ‘yun pa kayang milyon-milyong pork barrel na sumasayad sa kanilang account ang hindi nila labagin kung paano at saan gagamitin?!
Paalalang tanong lang kay Chairman Bautista: “ELEKSIYON na, palagay mo ba’y may karapatan pa kayong magpahinga?!”
Ang sagot? “Lalong wala kayong karapatang magkasakit!”
Huwag papatay-patay Chairman Bautista!
Basta droga ‘scoop’ lagi ang MPD ni Gen. Rolly Nana aray!!! (Intelihensiya ‘este’ Intelligence unit nganga!?)
Anong klaseng intelihensiya ‘este’ intelligence work kaya ang ginagawa ng District Police Intelligence Operations Unit (DPIOU) diyan sa Manila Police District?
Aba, mantakin n’yo ba namang tumagos ang Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) National Capital Region sa pamumuno ni S/Supt. Ronald Lee at natimbog ang isang flower shop kuno sa Binondo, Manila pero bagsakan at bilihan pala ng shabu?!
HOY MPD, GISING!
Puro intelihensiya na lang ba kayo!?
At ang higit na nakapagtataka rito, ‘yung flower shop may business permit agad aprubado ng Manila City Hall?!
Wattafact!?
Aba, ang daming negosyong legal sa Maynila na pinahihirapan sa pagkuha at pagre-renew ng business permit pero ‘yang bagsakan at bilihan ng shabu, may permit kaagad?!
SONABAGAN!
Bakit ba laging outside unit ng PNP gaya ng CIDG-NCRPO ang nakahuhuli ng malalaking bulto ng ilegal na droga sa Maynila!?
Gaya nga nitong bilihan ng SHABU cum flower shop na nasa teritoryo ni Gen. Rolly Nana?!
Paki-explain nga Mr. medya-on-line sulsoltant!
NCRPO chief, Dir. Gen. Joel Pagdilao, Sir, hindi ba ninyo nahahalata na basta malalaking droga, scoop lagi ang MPD ni Gen. Rolly Nana?!
Nagtatrabaho pa kaya si Nana at ang DPIOU sa MPD, Sir?
Pakitanong mo nga sa kanila, Gen. Pagdilao!
Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0926.899.91.27 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com