KAHIT sobrang busy dahil abala sa kaliwa’t kanang mga show, may panahon pa rin si Mojack sa mga makabuluhang proyekto na nakakatulong sa mga kapos-palad. Kamaka-ilan ay naging bahagi ng medical mission sa Bulacan ang talented na singer/comedian.
“Nag-medical mission kami sa Baliwag, Bulacan, para sa mga senior citizen na may sakit at kailangan na ng maintenance ng mga gamot. Regular project ito ni Mayor Carol Dellosa ng Baliwag, Bulacan. Tinutulungan siya rito ng husband niya na si Engineer James Dellosa.
“Mostly ay monthly niya ito ginagawa, per barangay. Kasi ang Baliwag, Bulacan, mayroon silang 27 Barangays. Ang pinuntahan namin last February 7 ay ang Barangay Sabang.
“Bukod sa mga doctor, nagbibigay din sila ng mga gamot. Ginagawa din nila ang mga feeding program. Minsan ay nagbibigay din si Mayor Dellosa ng mga nangangailanan ng salamin,” mahabang kuwento ni Mojack.
Ayon pa kay Mojack, masaya siyang maging bahagi ng mga ganitong mga project. “Sa part ko, parang pag-share ito ng blessings. Isang way ko ito na kung ano ang ibinibigay sa atin ni God, kailangang maibalik natin sa mga nangangaila-ngan.”
Busy din ngayon si Mojack sa paggawa ng mga campaign jingle sa mga kandidato at kabilang sa nakakasama niya rito sina Lucky Robles, Cherry Lou Ignacio, Orca, Pam Felix, at iba pa.
ALAM MO NA! – Nonie V. Nicasio