Monday , January 13 2025

Maliliit na movie producers, tutulungan ni Petilla

HINDI man ganoon kadalas makapanood ng pelikulang Filipino o TV show si Energy Secretary Jericho Petilla, aware naman ito sa kalagayan ng industriya. Paano’y nakakahalubilo nito ang ilan sa mga artista tulad nina Richard Gomez at Sen. Jinggoy Estrada.

Si Richard ay nakasabay niya minsan sa eroplano at nakapagkuwentuhan sila.

“Si Richard, taga-amin ‘yan. Tumatakbo na mayor. Si Lucy (Torres-Gomez) tumatakbo rin na congresswoman.

“Noong hindi pa tumatakbo si Richard, nagkasabay kami niyan sa eroplano, nag-usap kami. Tanong siya ng tanong tungkol sa politika. Ako naman, tanong ng tanong sa showbiz. Tinanong ko siya. ‘Bakit ka ba nag-TV dati? Bakit galing ka sa sine eh nag-‘Palibhasa Lalake’ ka?

“Ang sabi niya, ‘Ang pelikula, medyo pawala na nang pawala. Pababa na nang pababa ang budget at pababa nang pababa ang talent fee. So inunahan ko, sa TV, parang investment.

“Ang pelikula, parang sa politika rin, kapag hindi ka nakikita, nakakalimutan ka. Kapag aasa ka lang sa pelikula at walang offer, isang taon kang walang pelikula, medyo nanganganib ka. Mabuti ang TV, paulit-ulit, ang market value mo, nariyan lang.

“Ang sabi ko, may pagkakahawig pala ito sa politika,” kuwento ni Petilla minsang makahuntahan namin ito sa isang pananghalian. Kasama niya noon ang kanyang asawa at mga anak.

Kaklase naman niya si Jinggoy noong high school at sinabing hindi pa niya nadadalaw ito dahil sa kawalan ng oras.

Senatorial candidate ng Liberal party si Petilla at kung papalarin ay magiging priority niya ang pagkakaroon ng better legislation para sa enerhiya, edukasyon, at kalusugan.

Gusto rin daw niyang tulungan ang maliliit na movie producers sa pamamagitan ng pagbibigay ng subsidy ng gobyerno sa mga quality  na inilalahok sa iba’t ibang international fim festivals.

Ani Petilla, kung mayroong Metro Manila Film Festival tuwing Pasko, dapat ay hindi lamang tuwing Kapaskuhan mayroong festival bagkus ay magkaroon din ng regional film festival na makatutulong sa local movie industry.

Fan din kasi ng mga pelikulang Filipino si Petilla at aminado siyang nagustuhan niya ang Walang Forever na pinagbidahan  nina Jericho Rosales at Jennylyn Mercado.

Bukod sa kapangalan niya si Jericho, isa rin ito sa mga paborito niyang artista na lalo pa niyang hinangaan nang mapanood ang nabanggit na pelikula.

SHOWBIZ KONEK – Maricris Valdez Nicasio

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Keempee de Leon Joey de Leon

Keempee at Joey nagkaiyakan, nagkapatawaran 

RATED Rni Rommel Gonzales MATAGAL nang hindi nag-uusap sina Keempee de Leon at ama Joey …

Kathryn Bernardo Mommy Min

Kathryn madamdamin mensahe sa ina

MATABILni John Fontanilla EMOSYONAL ang mensahe ni Kathryn Bernardo sa pagseselebra ng kaarawan ng kanyang …

Maris Racal Anthony Jennings

Maris, Anthony nagpakita na sa publiko

LUMANTAD na noong Martes, Enero 7 sina Maris Racal at Anthony Jennings sa isang fan …

Rufa Mae Quinto NBI

Rufa Mae sumuko sa NBI

DUMIRETSO agad sa National Bureau of Investigation (NBI) si Rufa Mae Quinto pagkarating ng Pilipinas …

Vic Sotto Darryl Yap

Vic Sotto idedemanda si Darryl Yap

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez Nicasio KAKASUHAN daw ni Vic Sotto ang kontrobersiyal na direktor, si …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *