Friday , December 19 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Heart, patuloy sa pag-ampon ng mga inabandonang aso’t pusa

HINDI pa rin tumitigil si Heart Evangelista sa pag-aampon ng mga inaabandonang aso’t pusa. Likas kasing maawain sa mga hayop si Heart, kaya hindi niya matiis kapag may nakikita siyang hayop na pakalat-kalat sa daan.

Minsan nga nang mag-jogging ang misis ni Sen. Chiz Escudero sa UP Diliman kamakailan, may nakita siyang inabandonang pusa at hindi na ito nawala sa isipan niya.

“I found her!!! Took me days to find this cutie. I fed her a few days ago and she was so friendly. I will run everyday to feed you little miss mingming,” sey ni Heart sa kanyang  Instagram account kasama ang video ng inabandonang pusa.

Noong Lunes, sinabi ni Heart na iuuwi na niya ang pusa na tinawag niyang Ginger.

Pati nga si Sen. Chiz ay nahahawa na rin sa pagiging pet lover ni Heart.

Kamakailan ay nag-post si Heart sa Instagram ng picture ni Chiz habang nilalaro ang isa sa mga alagang aso ng aktres.

At dahil sa adbokasiya ni Heart na ipaglaban ang karapatan ng mga alagang hayop, napili siya bilang isa sa mga tagapagsalita ng Philippine Animal Welfare Society (PAWS).

SHOWBIZ KONEK – Maricris Valdez Nicasio

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

John Lloyd Cruz Ellen Adarna Elias Modesto

John Lloyd tinuligsa pagsusuot ng short sa recital ng anak

PUSH NA’YANni Ambet Nabus KAHIT marami ang natuwa sa magandang set-up ng co-parenting nina John Lloyd …

Pokwang Apology brother

Pokwang na-nega sa paghingi ng ‘sorry’ para sa kapatid, mambabatas binara

PUSH NA’YANni Ambet Nabus HINDI maganda ang naging reception ng netizen sa apology ni Pokwang on behalf …

Coco Martin Nicole

Coco ‘kinuha’ anak ni Katherine Luna

MA at PAni Rommel Placente KINUHA ni Coco Martin ang anak ng dating aktres na si Katherine Luna na …

Will Ashley Dustin Yu Bianca De Vera

Will deadma sa pagsasabong sa kanila ni Dustin

RATED Rni Rommel Gonzales MALAYO na talaga ang narating ni Will Ashley! Ngayon kasi ay bida …

Daniel Padilla Kaila Estrada

Daniel, Kaila hulicam pagka-sweet sa concert

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez HINDI nakaligtas sa mapanuring netizens ang pagpapakita ng ka-sweet-an nina Daniel Padilla at Kaila …