“Dream ko rin iyon, yung magkaroon ako ng award. Kasi, ang tagal na noong huli akong nagkaron ng award eh, 2004 pa,” wika ng aktres.
Ang pelikula ay pamamahalaan ni Direk Jason Paul Laxamana. Makakasama ni Ara rito sina Martin del Rosario, Bryann Foronda, Timothy Castillo, at iba pa.
Sabi ni Direk, ang pelikula raw na ito ay pang-filmfest abroad, ano ang expectations niya sa naturang proyekto?
Sagot ni Ara, “Yes, actually kaya ko rin ginawa ito, kasi may potential siya for international film festival.”
Wala naman daw problema kay Ara kung second choice lang siya sa pelikulang ito, lalo’t sinabi ni Direk Jason Paul na target nilang dalhin ito sa mga international film festival.
“Kasi hindi niya kaya (Snooky Serna) yung daring na eksena, eh,” nakangiting wika ni Ara. “Dito, I think ako yung may kakayahan. So okay lang, kasi like sa Mano Po, second choice lang din ako roon, eh.
“So usually yung mga nababagsakan kong second choice, roon ako nanalo (ng award). So mas maganda, mas maganda, hindi ba?”
Ano ang kaibahan ng Ara Mina ngayon na isa nang mommy, kompara noon na wala ka pang anak? “Siguro, every project kasi ngayon na gagawin ko, every decision na gagawin ko sa sarili ko, ikino-consider ko yung anak ko. Before kasi, ako lang. (Anong) Care ko kung sinong magalit?
“Like, hindi ko na nga kinonsider yung parents ko nang nagpa-sexy ako noon, hindi ba? Pero, ginawa ko lang naman iyon siyempre, dahil stepping-stone.
“Ngayon, bago ko tinanggap itong Nuclear Family, talagang pinag-isipan ko munang mabuti and kinausap ko muna si Direk (Jason Paul). Okay naman, hindi naman talaga siya sobrang daring, may isa o dalawang eksena lang.
“Kumbaga, feeling ko lang ay parang first timer ako (sa pagpapa-sexy). Kasi, ang tagal na nang huli ko, iyong Huling Birhen Sa Lupa,” nakangiting esplika pa niya.
ALAM MO NA! – Nonie V. Nicasio