Sunday , January 11 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Star for all Season, lumalapit at yumayakap pa sa fans

082415 Vilma Santos
PURING-PURI ng dating entertainment writer (at protégé ng inyong lingkod) na si Riz Gomez ang walang kakupas-kupas na pakikitungo ni Vilma Santos sa kanyang mga tagahanga.

Noong Biyernes, sa pangunguna ng Vilma Santos Solid, Int’l (VSSI) led by Jojo Lim ay matagumpay na naidaos ang inisporan nilang block screening ng Everything About Her sa Dolphy Theatre.

Naka-base na sa Japan si Riz, at kulang nga ang kanyang isang linggong bakasyon sa bansa para pagkasyahin ang oras.  But he made sure na hindi niya ipagpapaliban ang muling makaniig ang Star For All Seasons.

“Naku, Kuya Ron,” bungad ni Riz nang makausap na lang namin on the internet,”lumabas talaga ang pagiging fan ng lola mo!” referring to himself. ”Nakaka-touch pa rin ang warm gesture ni Ate Vi na siya pa mismo ang lumalapit sa mga nakaupong fans sa Dolphy Theatre para bumeso siya! ‘Uy, payakap naman!’ Kaya naman sulit ang bakasyon ko kahit bitin,” kuwento ni Riz.

Hindi nakapagtataka kung bakit sa loob ng napakaraming taon, Ate Vi has endeared herself to her fans. Sa katunayan, noon ngang December 19 last year ay maraming balikbayan-Vilmanians ang nasa bansa not just to get bonded with the ones based here, kundi para ipakita kung gaano pa rin sila solido in their support para sa kanilang idolo.

Sabi nga ni Ate Vi sa isa sa kanyang mga TV commercial, ”’Yan ang totoo!”

HOT, AW – Ronnie Carrasco III

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Ronnie Carrasco III

Check Also

Vice Ganda Airport

Vice Ganda inilahad totoong nangyari sa airport

MA at PAni Rommel Placente SA pamamagitan ng kanilang noontime show na It’s Showtime, nagbigay ng reaksiyon …

Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith Father

Anne at Jasmine nagdadalamhati sa pagpanaw ng ama

ni Allan Sancon BALOT ng matinding lungkot ang pamilya nina Anne at Jasmine Curtis-Smith matapos pumanaw ang ama nilang …

James Curtis-Smith Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith

Anne at Jasmine dinagsa ng pakikiramay mula sa mga kaibigan, katrabaho

PUSH NA’YANni Ambet Nabus MALUNGKOT ang pasok ng 2026 kay Anne Curtis dahil sa pagyao ng ama …

Bam Aquino Vico Sotto

Talent manager at online show host Noel Ferrer pinangalanan sina Bam, Vico bilang People of the Year 2025

HINIRANG ng talent manager at online show host na si Noel Ferrer sina Senador Bam Aquino at Pasig City …

Rave Victoria

Rave Victoria masaya sa suportang natanggap sa PBB Collab 2

RATED Rni Rommel Gonzales BINANSAGANG ”Optimistic Apo ng Tarlac” natapos na ang Pinoy Big Brother Celebrity …