FOR the record, aaminin ko na fan ako ni Sarah Geronimo at isa ako sa maligaya sa kanyang tagumapy. Nasubaybayan ko ang maliit na Sarah noong mga panahon na kumakanta pa siya sa programa ni Kuya Ompang sa Isetann Recto.
Nanalo sa isang singing contest sa telebisyon at sumikat nang husto pagkatapos mag-hit ang unang kanta ni Sarah. In fact, paborito ko siya lalo na kapag kinakanta niya ang Forever’s Not Enough.
Dire-diretso ang pagsikat ni Sarah hindi lang bilang singer kundi bilang aktres. Marami rin siyang commercials.
Kaya lang, sa araw-araw na ginawa ng Diyos, araw-araw din akong nakakatanggap sa Globe sim ko regarding Sarah Popsters. Na para bang ngayon lang nalikha ang fan group niyang ito.
Kahit na maka-Sarah ako pero parang naiinis na rin ako na sa tuwing tutunog ang cellphone ko na akala ko ay importanteng mensahe ang mababasa ko o kaya may karaketan, Sarah Popster lang pala. At halos araw-araw talaga ito huh, walang kasawaan ang Globe sa pagpapadala ng ganitong mensahe.
Eh paano na lang kung ang mapadalhan hindi fan ni Sarah? Tiyak na doble ang pagkamuhi nila.
Nakakalokah kayo Globe, huh!
( TIMMY BASIL )