Saturday , January 24 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Pasion de Amor, ‘di na-MTRCB kahit may pagka-sexy

020316 Pasion de Amor
PRESENT ang lahat ng bida sa hot teleseryeng Pasion De Amor sa ipinatawag na farewell presscon like Ejay Facon at Ellen Adarna, Joseph Marco at Coleen Garcia and Jake Cuenca and Arci  Munoz na may hastag na #pdathehottestfinale.

Present din si Wendell Ramos na tinaguriang hottest villain.

Umamin si Ellen na noong una ay niligawan siya ni Ejay pero kalaunan ay nauwi sa magkakapatid ang turingan.

Si Jake naman ang umaming si Arci Munoz ang pinaka-best leading lady niya of all time.

Sina Joseph at Coleen naman ay walang na-develop dahil taken na si Coleen pero aminado si Joseph na marami siyang natutuhan kay Coleen.

Although sa February 29 pa magwawakas ang Pasion De Amor kaya more or less may isang buwan pa tayong mag-eenjoy sa mga maiinit na eksena..

Mapangahas ang teleserye, madalas, ang mga lalaking bida ay palaging nakahubad ang pang-itaas at ipinakikita ang kanilang matitigas na abs lalo na si Joseph na may pinakamagandang abs.

Pero awa ng Diyos, never pa raw ipinatawag ang mga director nitong sina Don Cuaresma, Carlo Artiliaga, Eric Quizon, at Ruel Bayani ng MTRCB. Kahit sexy ang teleserye, alam ng mga direktor na laruin ang mga eksena at alam nila kung ano ‘yung hindi talaga puwedeng ipakita.

Consistent din sa pagiging top rater ang programa. Dapat ay noong October last year tapos na ito pero na-extend ng na-extend.

MAKATAS – Timmy Basil

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Timmy Basil

Check Also

Liza Soberano

Liza Soberano nag-iingay na naman

PUSH NA’YANni Ambet Nabus ITONG si Liza Soberano, kahit hindi na based ang career sa bansa …

Will Ashley Mika Salamanca

Will at Mika na-bash sa patakip-takip ng mukha sa HK

PUSH NA’YANni Ambet Nabus “Ang arte naman. Nasa Hongkong na eh may patakip-takip pa ng …

Richard Gutierrez Barbie Imperial

Richard at Barbie package deal?

PUSH NA’YANni Ambet Nabus “What you see is what you get,” nga ang kapwa nasabi nina Richard …

Ralph Dela Paz

Newbie actor sinalubong ng malaking project

MATABILni John Fontanilla THANKFUL and grateful si Ralph Dela Paz sa Diyos dahil sa pagpasok ng taong …

Will Ashley Dubai

Will Ashley dinumog at inulan ng regalo sa Dubai

MATABILni John Fontanilla FEELING winner ang  kapuso teen actor na si Will Ashley sa suporta at dami …