Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Alden, in-offer-an ng P20-M, para lang mag-concert

110515 alden

MALUNGKOT na balita para sa Aldub fanatics. Imposible nang matuloy ang napabalitang Aldub Valentine concert. Actually, totoo talagang may offer na eight figure (kay Alden Richards pa lang huh) para sa naturang concert  pero habang papalapit ang February ay lumalabo naman ang usapan ng producer at ng mga taong humahawak kay Alden at kay Maine Mendoza.

Ang sinasabing eight figure na to ay nagkahalaga raw ng P20-M na offer noon ng produ na si Joed Serrano kay Alden. Uulitin ko, kay Alden pa lang at hindi pa kasama ang kay Maine.

Sayang talaga.

Nang tanungin ang producer kung sa mga oras na ito, willing pa rin ba siyang sumugal o magbigay ng P20-M kay Alden, na ang concert ay magaganap sa July, oo pa rin ang sagot ng produ.

Anyway, nakalulungkot lang na ‘di nag-prosper ang pag-uusap between Joed at ng mga humahawak sa career ni Alden.

Sa kasalukuyan busy ang kompanya ni Joed sa pagpo-promote ng Panahon Na May Tama starring Gladys Guevarra, Boobsie Wonderland, Ate Gay and Papa Jack sa February 13 sa Smart Araneta Coliseum.

Pero teka, sa July ba sikat pa rin ba ang tambalang AlDub?

Baka naman by that time puwede nang tumawad si Joed, baka from 8 figures puwedeng ng 7 figures hehehehe.

Anyway, sa mga concertgoer na tila sawa na sa traditional na Valentine’s concert, go na kayo sa Smart Araneta at tiyak na gugulong kayo sa katatawa.

MAKATAS – Timmy Basil

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Timmy Basil

Check Also

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …

Cedrick Juan Kate Alejandrino baby

Cedric sa trait ni Kate: kailangan ng brainwaves ‘di emotions

RATED Rni Rommel Gonzales IKINASAL nitong Pebrero 25, 2025 at ngayon ay may five-month old …

Chef JR Royol Cristina Roque

Chef JR Royol may paliwanag sa P500 Noche Buena

I-FLEXni Jun Nardo SUMAKAY ang halos lahat sa P500 halaga ng Noche Buena payanig ni …