Friday , November 15 2024

Happy Chinese New Year to all (Kiong Hee Huat Tsai!)

BUKAS po ay opisyal nang papasok ang Chinese Lunar New Year, Pebrero 8.

At gaya po ng inaasahan, makikita natin ang iba’t ibang kultura at iba’t ibang paraan kung paano ito sasalubungin sa iba’t ibang lugar sa ating bansa ganoon din sa iba’t ibang panig ng mundo.

Kung magarbo at masaya ang pagsalubong natin sa Enero 1, ganoon din sa pagpasok ng Chinese Lunar New Year dahil mayroong iba’t ibang pamahiin at tradisyon ang mga kababayan nating Tsinoy kung paano ito ipagdiwang.

 Sabi nga, ang 2016 ay Year of the Monkey at gaya nang dati, mayroon mga payo alinsunod sa Feng Shui kung ano ang mga dapat gawin at huwag gagawin o pag-ingatan sa buong taon.

Sabi nga, wala namang mawawala kung susunod sa mga nasabing pamahiin pero huwag din kalilimutan na huwag iasa sa kung ano-anong tradisyon o paniniwala ang inyong buhay.

Pinakapatas pa rin ang prinsipyong, huwag gawin sa kapwa kung ano ang ayaw mong gawin nila sa iyo.

Huwag maging gahaman, huwag angkinin at huwag magnasa kapag hindi sa iyo o para sa iyo ang isang bagay.

Ang pinakaimportante po sa lahat, huwag  kalimutang magpasalamat sa Dakilang Lumikha sa lahat ng mga biyayang natatanggap sa araw-araw.

Kung mayroon man ilang elemento o nilalang na walang ginawa kundi ang manakit at manlamang sa kapwa, ipagpasa-Diyos na po ninyo sila…

Higit po kasi nila kailangan ‘yang dasal dahil buhay pa sila ay nakapila na ang kaluluwa nila kung saan sila nararapat.

‘Yan naman po mga suki ay konting paalala lamang dahil ngayon nga ay panahon ng pag-iisip at paglilimi kung ano ang ginawa natin sa nakaraang taon.

Sa pagpasok ng Year of the Monkey, here’s wishing you a healthy, wealthy and prosperous Chinese New Year…

Kiong Hee Huat Tsai!

Ang plunder ni VP Binay, Bow

Sabi ni Ombudsman Conchita Carpio-Morales, hindi pa puwedeng ikulong si Vice President Jejomar Binay, dahil mayroon pa siyang immunity.

Oo nga naman. VP pa rin siya hanggang ngayon.

Pagkatapos na raw ng kanyang termino.

Pero ang tanong ng marami, kung manalong presidente si VP Binay, maipakulong pa kaya siya?!

S’yempre hindi na rin.

Hindi rin siya puwedeng i-impeach, maliban kung mayroon na namang makitang katiwalian habang nanunungkulan siyang pangulo (halimbawa lang naman).

Kung aakyat ang kasong Plunder laban kay Binay, aba, lalabas na magkakakosa na sina Erap, Binay at kapag nagkataon pati si dating presidente GMA.

Tsk tsk tsk…

Hindi talaga natin maintindihan kung bakit butas-butas ang batas para sa mahihirap o sa maliliit nating kababayan na naghahangad ng kalayaan.

Kaya nga ang bilis makalusot ng mga tiwali.

Hindi katulad sa Taiwan (nakikiramay po kami sa mga nasaktan, nasugatan at nawalan ng mga kamag-anak dahil sa lindol diyan sa Taiwan), hindi pa nasasampahan ng kaso ay kusang nagbibitiw sa puwesto kahit presidente pa o punong ministro sa isang lugar o ahensiya.

At kapag napatunayang nagkasala ay talagang ipinakukulong.

Pinapayagan lamang makalabas sa kulungan kung talagang mahinang-mahina na at nangangailangan talaga ng atensiyong medikal.

Kailan kaya ito mangyayari sa ating bansa?!

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0926.899.91.27 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)

Check Also

Firing Line Robert Roque

Mga senador na nasa tama, nagkamali

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. MARAHIL humupa na sa ngayon ang galit ng publiko …

Aksyon Agad Almar Danguilan

“Kian Bill” para sa mga inosente, isabatas na!

AKSYON AGADni Almar Danguilan IYAN ang sigaw o panawagan ng grupong Akbayan Partylist sa Kongreso. …

PADAYON logo ni Teddy Brul

Upakan sa Pasig umiinit

PADAYONni Teddy Brul HINAMON ni dating Pasig City councilor, Atty. Ian Sia si Mayor Vico …

Sipat Mat Vicencio

Imee Marcos hinayaan babuyin ang amang si Makoy

SIPATni Mat Vicencio HINDI man lamang nagawang ipagtanggol ni Senator Imee Marcos ang kanyang amang …

Dragon Lady Amor Virata

Overstay sa Amerika, deportation parusa ni Trump

Isumbong mokay DRAGON LADYni Amor Virata MARAMING Pinoy ang nangangamba ngayon sa Amerika lalo mga …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *